Tennis star Eala, pasok sa q'finals ng U.S. Open juniors
ni MC - @Sports | September 10, 2021

Dumaan muna sa pahirapang laban si Alex Eala bago ito nakapasok sa quarterfinal berth ng 2021 US Open girls singles tournament.
Pinahirapan ng Greek na si Michaela Laki si Eala sa Court 12 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York kahapon bago nagpumiglas ang tikas ng Filipina teen tennis sensation at talunin ang No. 15 seed Laki, 4-6, 7-5, 6-4 sa third round ng girls singles event.
Mabagal pa ang simula ni Eala bago ito nagawang makapagtrangko sa Greek, 2-5 at pumipiglas pa sa first set. Pero maagap si Laki sa opening set.
Bagamat ibinuhos ni Eala ang lakas sa 2nd set para sa 3-1, hindi pumayag si Laki at ipatas pa ang iskor sa 4-4. Malapit na sanang talunin ng Greek si Eala, pero naipatas pa ng Pinay sa 5-5 ang iskor hanggang sa makontrol ang match.
Dalawang puntos na lang ang kailangang iselyo ni Eala para sa 5-2 pero umaariba pa si Laki. Ang huling serve ni Eala ang sumelyo ng panalo na hindi na naibalik pa ni Laki.





Comments