Tatum ng Boston Celtics naka-5 sunod nang panalo

ni Anthony Servinio @Sports | November 3, 2026

Photo: Pinangunahan ni Jayson Tatum ng Boston Celtics ang ika-limang sunod na panalo sa Orlando Magic sa NBA sa Kia Center kahapon. (ABCnewspix)
Limang sunod na ang umaarangkadang Boston Celtics matapos ang 108-97 panalo sa Orlando Magic sa NBA sa Kia Center. Umiinit din ang Golden State Warriors kasabay ng mga mahalagang tagumpay ng Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets.
Natalo ang Celtics sa unang araw ng bagong torneo sa Detroit Pistons, 113-121, subalit mula roon ay ibang bagsik ang ipinamalas. Bumira sa pangalawa ng siyam ng kanyang kabuuang 32 puntos si Jayson Tatum para 55-50 lang at hindi na nila binitiwan ito.
Nagawang tumabla ang Magic ng maaga sa huling quarter, 79-79, pero nakabangon ang Boston sa foul-counted ni Payton Pritchard na sinundan ng tres ni Luke Garza, 85-79. Mula roon ay kinailangan ang mga paniguradong shoot nina Paul George at Tatum para umakyat sa 5-1.
Sabay lumiban sina Stephen Curry at Draymond Green subalit hindi ito naramdaman ng GSW sa 124-112 tagumpay sa LA Clippers. Tumira ng anim na 3-points si rookie Yaxel Lendeborg para sa 37 habang 21 si De'Anthony Melton para humaba sa 4 ang kanilang panalo matapos madapa sa unang tatlo.
Balik-panalo ang Lakers sa bisitang Toronto Raptors, 131-125, kung saan umabot sa 102-76 ang agwat sa pangatlong quarter. Umapoy para sa 45 si Luka Doncic pero nagtabi ng 8 sa huling quarter upang mabitin ng huling hirit ng Raptors.





Comments