top of page
WINNER - SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHI

Taduran pa-kondisyon na, Ancajas tutulong sa ensayo

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 3, 2026



Taduran vs Moreno

Photo: Taduran vs Moreno / Circulated


          

Hindi paawat sa pagpapalakas at pagpapakondisyon si reigning International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran sa Estados Unidos bilang preparasyon kontra  unbeaten challenger na si Brandon Moreno ng Spain sa darating na salpukan sa Nob. 7 sa Kiva Auditorium sa Albuquerque, New Mexico.


Sasampa sa  ikaapat na sunod na title defense ang 30-anyos na southpaw kontra sa dating World Boxing Council (WBC) Latino mini-flyweight titlist na sasabak sa unang pagkakataon sa laban ng kanyang bansa kasunod ng 8th-round unanimous decision kontra Nicaraguan Reyneris Gutierrez.


Bitbit ng tubong Libon, Albay ang pag-asang mapagtagumpayan ang pagdepensa sa paggabay ng beteranong tactician na si Joven Jimenez, na mas kilala bilang trainer ni long-time International Boxing Federation (IBF) super-flyweight titlist Jerwin “Pretty Boy” Ancajas.


“Nakakapag-usap naman kami ng mabuti sa kung anong mga diskarte at kailangang gawin kontra Moreno. Sa ngayon mabuti naman ang mga galaw niya at kondisyon na,” pahayag ni Jimenez sa mensahe nito sa Bulgar Sports, na hahalili pansamantala  kay coach Carl Penalosa, matapos hindi umabot ang kinakailangan visa mula sa US Embassy.


Makakatulong ni Jimenez sa ensayo at pagpapalakas kay Taduran sa Knuckleheads Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada sina Jino Rodrigo, Pete Sussens at mismong si Ancajas, mula sa kautusan ni American promoter at international matchmaker  Sean Gibbons.


 “Magandang laban ito, basta magandang condition lang. Buti na lang hindi gaanong malamig ang klima sa Las Vegas,” sambit ni Taduran sa Bulgar Sports.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page