top of page
WINNER - SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHI

World No. 17 na si Eala, 1st Pinoy sa tennis history

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 3, 2026



Alex Eala - IG

Photo: Alex Eala - IG


          

Umakyat sa pinakamataas na ranggo sa kanyang karera si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ng makatuntong sa World No. 17 upang maging kauna-unahang Pinoy at manlalaro mula sa Southeast Asia sa kasaysayan ng Women’s Tennis Association (WTA).


Matapos sumirit sa World No. 18 noong Agosto at bahagyang bumaba ng isang baytang sa No. 19, umarangkada ng 2 talon ang 21-anyos na lefty swinger upang makamit ang pinakamataas na puwesto kasunod ng quarterfinal finish sa katatapos lang na 2026 Pan Pacific Toray Open kontra eventual titlist Diana Shnaider ng Russia sa 6-2, 6-7 (5), 4-6.


Nakakuha ang two-time WTA 125 at WTA 500 Washington titlist ng kabuuang 2289 puntos, habang si Filipina-Canadian Leylah Fernandez ay tumalon ng 5 puwesto para sa No. 18, habang ang Russian player na si Shnaider ay umangat ng dalawa sa World No. 11 kasunod ng kampeonato sa Japan Open.


Unti-unting iniahon ng 5-foot-9 mula Quezon City ang posisyon sa world rankings na matatandaang nagsimula lang sa 2025 season sa World No. 168 sa rankings. Matapos ang mahigit isang taon ay lubusan ang pagtalon nito sa Top-20, at maaring magbago ng ilang puwesto sa pagtatapos ng season sa paglahok sa Prudential Hong Kong Tennis Open.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page