top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Tatay sinaksak sa dibdib ng anak, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

ni Levi Gonzales @News | November 10, 2026



Knife as evidence - File

Photo: File



Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin umano ng kanyang anak na lalaki, kasunod ng pagtatalo sa kanilang bahay sa Brgy. Banay-Banay, Lipa City, Batangas.


Kinilala ang biktima na si Marlon Esguerra Alfon, feedmill production operator, habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Mark Vincent, 20,

Batay sa imbestigasyon, alas-7:40 ng gabi kapwa umano nakainom ng alak ang mag-ama habang naghahapunan nang magkaroon ng pagtatalo hanggang sa mauuwi sa pisikal na komprontasyon.


Habang pinipigilan ng pamangkin ang biktima, bigla umano itong sinaksak sa dibdib ng anak.


Naaresto naman ang suspek at narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife na tinatayang walong pulgada ang haba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page