Sa paghahanap kay Sen. Bato... 500 tips, natanggap ng PNP

by Jeff Tumbado @News | November 10, 2026

Photo: Ronald Bato Dela Rosa
Nakatanggap na ang Philippine National Police (PNP) ng hindi bababa sa 500 impormasyon kaugnay sa manhunt operation laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Nagmula umano ang mga impormasyon sa iba't ibang lugar sa Western at Eastern Mindanao, Visayas, Southern Tagalog, at Northern at Central Luzon.
Ani Nartatez, nagpapatuloy din ang operasyon ng PNP para sa paghahanap sa iba pang high-profile na personalidad, kabilang sina Zaldy Co, Atong Ang, at Gerald Bantag.
Nagpahayag siya ng kumpiyansa na hindi maaaring magtago habambuhay ang mga pugante dahil limitado lamang ang mga lugar na maaari nilang puntahan.





Comments