23-anyos na babae, nahulog mula sa 23rd flr. ng condo, dedbol

ni Janice Baricuatro @News | November 10, 2026

Photo: File
Patay ang isang dalaga matapos mahulog mula sa ika-23 palapag ng isang condominium sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si alyas Anne, 23-anyos.
Ayon sa Tagaytay City Police, isang security guard ng gusali ang nag-report sa insidente.
Sa imbestigasyon, nakita umano ng saksing si alyas Kirby, ang biktima na umaakyat sa rehas ng balkonahe sa ika-23 palapag bago kumapit sa grills ng ika-22 palapag hanggang sa tuluyan na itong makabitaw at bumagsak sa lupa na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nang siyasatin ng mga pulis ang kuwartong tinutuluyan ng biktima, nakita ang mga basag na bote ng pabango, dalawang razor blade, mga gamit sa kama at mga bahid ng dugo sa sahig at dingding. May nakita rin umanong lalagyan na hinihinalang may lamang alak.
Inaalam pa kung may sugat sa pulso ang biktima bago ang insidente. Humingi na ng tulong ang pulisya sa PNP Forensic Unit para sa mas masusing pagsusuri sa pangyayari.





Comments