top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tatay na uli… PRAMIS NI DENNIS: BABAWI AKO SA BABY NAMIN NI JENNYLYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 23, 2021






Sampaloc candy na sabi ni Jennylyn Mercado, binili sa palengke ang isa niyang pinaglilihian at sa vlog nila ni Dennis Trillo, makikitang sarap na sarap nitong


kinakain ang sampaloc. Mukhang umaga kumakain ng sampaloc ang aktres dahil nasa bed pa siya at dagdag pa nito “Maasim, pero masarap” ang kanyang kinakain.


Makikita rin sa vlog na dinalhan siya ng breakfast ni Dennis sa kuwarto. Everyday daw ginagawa ni Dennis ang tanungin siya kung ano ang gustong kainin sa breakfast.


Niluluto nito o ipinaluluto sa cook nila at si Dennis na ang nagdadala sa kuwarto nila.


Ang cute kayang tingnan ni Dennis na dala-dala ang breakfast tray.


May sinabi si Dennis sa vlog na nagpa-emotional sa kanya. Sabi nito, “Bilang ama, marami akong naging pagkukulang at pagkakamali, babawi ako ngayon.”


Kaya reaction ng mga netizens, suwerte ng magiging baby nina Dennis at Jennylyn dahil tiyak na sobrang pagmamahal ang ibibigay ng kanyang parents.


In fairness, mabuting ama naman si Dennis sa anak na si Calyx na binatilyo na ngayon at lagi ngang magkasama ang mag-ama sa bonding moments nila kasama siyempre ang anak ni Jennylyn na si Jazz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page