Tatay daw ng ipinagbubuntis… BF NI ANGELINE, NAGTATRABAHO SA CASINO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 09, 2021

Matunog ang balitang buntis umano ang singer na si Angeline Quinto, bagama't wala siyang inaamin hanggang ngayon.
May source raw na nagpi-feed sa isang batikang writer tungkol sa kalagayan ng singer.
But, how true na ang boyfriend at ama ng magiging baby diumano ni Angeline ay nagwo-work sa casino?
Diumano’y kababata pa ito ng singer.
Nagkita umano sila sa isang casino nang mag-show ang singer sa hotel-casino kung saan nga nagtatrabaho ang karelasyon ngayon ni Angeline.
May katotohanan kaya ang mga tsikang ito tungkol sa birit queen?
Eh, kasama ang Kapamilya singer sa mga naka-line-up mag-show sa Expo 2021 in Dubai ngayong araw.
Makakasama rin niyang mag-perform ang Broadway star na si Lea Salonga at international singer na si Alicia Keys.
Heto pa ang isang nasagap namin, sa photo shoot daw na ipinakita kung saan nandu'n si Angge ay mukhang may baby bump na ito.
So, hintayin na lang natin kung may sasabihin nga o aaminin si Angeline sa mga susunod na araw.





Comments