Tatak nang fashionista… OOTD NI HEART SA MEETING NG MISIS NG MGA SENADOR, INAABANGAN NA
- BULGAR

- Jun 3, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 3, 2024

May makakatulong na si Heart Evangelista sa mga projects na gagawin ng Senator Spouses Foundation.
Pagkatapos ng unang araw ng meeting niya sa mga misis ng mga senador, hindi na gaanong pressured si Heart dahil may mga familiar faces na siyang nakita tulad ni Mariel Rodriguez na asawa ni Sen. Robin Padilla, Congw. Lani Mercado na asawa ni Sen. Bong Revilla, Jr. at si Precy Vitug na asawa naman ni Sen. Jinggoy Estrada.
Tiyak naman na tutulong din ang asawa ni Sen. Raffy Tulfo na si Jocelyn dahil sanay ito sa mga fundraising projects at may mga connections sa mga sponsors.
Sure rin na gagamitin ni Heart ang kanyang charm upang madali siyang makapag-adjust sa iba pang maybahay ng mga senador.
Well, aabangan ng mga senators’ wives ang mga isusuot na OOTD (outfit of the day) ni Heart kapag may pa-meeting siya dahil nakatatak na kay Heart Evangelista ang pagiging fashion icon.





Comments