top of page

Tapos na ang eleksyon, panoorin kung paano maghudas mga tao sa paligid ni PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 15, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Makikita natin ang tunay na sitwasyon bago mag-Disyembre.

Panoorin natin kung paano maghudas o magtraydor ang mga tao sa paligid ni PBBM.

Antay tayo kung sinu-sino ang unang kakalas sa Alyansa at sa poder ng Malacañang.

Sana ay wala, sana nga!


----$$$--


Tulad sa binanggit natin, sinunod ni Sen. Imee ang payo na manindigan, magkaroon ng disposisyon at magdesisyon nang malinaw at kongkreto.

Hinatulan si Sen. Imee, batay sa impresyon ng tao sa kanyang personalidad.


----$$$--


GAMIT ang kulay itim, naging sobrang tapang ni Sen. Imee — at iyan ay nakabuti upang masalalak sa No. 12.

Gaya pa rin ng binanggit natin, nasa bingit siya ng No.13 — dahil sa epekto ng kulay itim!


----$$$--


KUNG tutuusin, kung hindi siya nabiyayaan ng kulay itim, maaaring tuluyan siyang nilamon ng depresyon at malaglag tulad nina Bong Revilla, Abby Binay, Manny Pacquiao, Benhur Abalos at Francis Tolentino.

Pero, pinalakas siya ng itim — at naging matapang siya — anuman ang kahinatnan ng kanyang disposisyon!


----$$$--


MALINAW na malinaw na nagwagi ang mga maka-Duterte at nabigo ang mga maka-PBBM.

Sobrang angat si Sen. Bong Go at maging sina Sen. Bato at Rodante Marcoleta.

Nakapasok ding bigla sina Sen. Imee at Camille Villar na nanganganib na malaglag pero nang itaas ni VP Sara ang kanilang kamay — humugos ang mahalagang boto.


----$$$--


MALINAW na hindi pa nagsisimula ang impeachment trial, pero absuwelto na agad si VP Sara.


Hindi naman merito ng kaso ang hahatol sa impeachment, bagkus ay ang personal decision ng mga senador.


Isa kasing “political exercise” at hindi traditional trial court ang impeachment.

Dahil political exercise, hindi nalalayo sa aktuwal na eleksyon — ang proseso rito — iyan ang isinasaad sa Konstitusyon.


----$$$--


KASABAY nito, malinaw na kontra ang mayorya ng mga mamamayang Pilipino ang pagdakip kay Digong.

Malinaw din na sinasapawan at dinidiktahan ng ICC — ang hatol ng mayorya ng populasyon sa Pilipinas.


----$$$--


ANG ICC ay malinaw na ginagamit lamang bilang “kasangkapan” sa pamumulitika — at iyan ang inirereklamo ng ibang bansa na bumitaw dito.

Kailangang ipakita ng defense lawyer — na “pamumulitika” ang pagdakip.

Mahalagang maunawaan na ang aksyon at disposisyon ni Digong sa paglaban sa droga ay kinakatigan ng mayorya ng populasyon sa Pilipinas.


----$$$--


NANANATILING maka-Duterte ang mga botante dahil sa muling paglaganap ng drug pushing at drug addiction — na sila mismo ang saksi sa kanilang mga barangay.

Nagdesisyon ang mga botante batay sa sarili nilang karanasan at disposisyon — dahil nagbalik ang mga pusher at adik na kanilang mga kapitnbahay.


-----$$$--


TULAD din ng binabanggit natin, tapos na ang “first base” ng 2028 presidential election — kumbaga sa baseball.

Meaning, naka-first base na ang grupo ni VP Sara kung saan, humaharurot si Sen. Bong Go.


----$$$--


PATUNGO sa second base ay posibleng dalawa ang alternatibong papalo sa bola.

Una, sakaling makauwi sa Pilipinas si Digong; dili kaya ay ang ikalawa, sakaling maabsuwelto sa impeachment trial si VP Sara.


----$$$--


WALANG katiyakan ang ICC case kay Digong pero marami ang nagsasabi na sure ball na ang pagbasura sa impeachment trial.

Malinaw na maaabot ni VP Sara ang second base — bago maimaniobra ang 3rd base patungo sa home plate.


-----$$$--




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page