top of page
BULGARY - KIM BUNTIS, KINUMPIRMA SA IG NG DIREKTOR_IG _kimchiu.jpeg

Taping, iniwan… RHIAN, SUMUGOD SA OSPITAL MAPUNTAHAN LANG SI MICHELLE

Writer: BULGAR
BULGAR
4 minutes ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 14, 2026



BULGARY - RHIAN, SUMUGOD SA OSPITAL MAPUNTAHAN LANG SI MICHELLE_IG _whianwamos

Photo: IG _whianwamos



Unti-unti nang nagpapagaling ang beauty queen-aktres na si Michelle Marquez Dee (MMD) matapos sumailalim sa emergency appendectomy dahil sa mga batong nakabara sa kanyang appendix, ayon sa kaibigang si Rhian Ramos.


Ikinuwento ng Kapuso actress kung gaano sila nag-alala nang mabalitaang biglaang isinugod sa ospital si Michelle. Papunta noon sa taping si Rhian nang malaman niya, kaya agad niyang pinuntahan ang kaibigan nang magkaroon siya ng break sa schedule.


“We were very worried because it was so sudden. I was actually on my way to taping when I found out that she was on her way to the hospital. Sakto nagkaroon ako ng break so I got to visit her right away,” saad niya.


Ayon pa sa aktres, nasa proseso na ngayon ng paggaling si Michelle kaya mahalagang bigyan ito ng sapat na panahon para makapagpahinga bago sumabak sa nakatakda nitong mga trabaho.


Nagsimula ang hindi inaasahang pangyayari nang makaramdam siya ng pananakit ng tiyan habang papunta sa isang shoot kasama ang photographer na si BJ Pascual.

Matapos ang operasyon, nagbigay rin ng update si MMD sa pamamagitan ng kanyang Instagram (IG) broadcast channel.


Sa ngayon, pahinga at tuluyang pagbawi ng lakas muna ang prayoridad ng beauty queen-turned-actress bago harapin ang panibagong mga commitments sa kanyang abalang schedule.


Muling sasabak sa beauty pageant si MMD, sa 2nd Miss Grand International (MGI) All Stars 2026 na gaganapin sa Disyembre 12, 2026 sa Thailand. Makakasama niya sa kompetisyon ang mga Pilipinang sina Alexie Mae Brooks at Anne Patricia Lorenzo Diaz.

Ilang linggo na lamang bago ang pageant kaya hindi pa malinaw kung maaapektuhan ng kanyang kondisyon ang pagsali niya. 





Ang dami raw natutunan… 

ALESSANDRA, AYAW NA SA MGA BFF NA TSISMIS AT MATERYAL NA BAGAY LANG ANG PINAG-UUSAPAN



DIRETSAHANG inamin ng aktres na si Alessandra de Rossi na napagod na siya sa mga relasyong ang pakay lamang ay magkaroon ng magandang litrato na maipo-post sa social media, sa halip na magkaroon ng makabuluhang kuwentuhan at tunay na samahan.


Sa panayam sa kanya kamakailan, ibinahagi ng aktres ang kanyang pagkadismaya sa ilang taong itinuring niyang kaibigan noon, pero kalaunan ay napagtanto niyang hindi pala ganoon kalalim ang kanilang pinagsamahan.


“Kung gusto nila ng sosyal na life na puro post lang pero walang laman ‘yung buong pagkikita n’yo, na parang sayang lang ‘yung buong araw mo na wala kayong ibang ginawa kundi mag-picture at [ipakita] na maganda ang gamit mo, ayaw ko na,” pahayag niya.


Dagdag pa niya, mas gusto na lamang niyang makasama ang mga taong kayang makipag-usap tungkol sa buhay, mga pagsubok at kung paano mas mapapabuti ang pagharap sa araw-araw na hamon.


Masakit din para sa aktres ang matuklasang may mga taong nakipagkaibigan lamang sa kanya para magkaroon ng litrato na maibabahagi sa kanilang social media accounts.


“‘Yung [ibang] friends ko, kinaibigan lang ako for the photos. Gets mo? ‘Yung mga ganu’n na para mai-post lang pero walang laman [ang pag-uusap at pagkikita]. ‘Di pala kami close. ‘Yung friendship namin na sobrang tagal na, wala palang ibig sabihin ‘yun,” kuwento niya.


Aminado si Alessandra na mas pinahahalagahan na niya ngayon ang mga taong may lalim kausap, lalo na’t marami siyang natututuhan tungkol sa buhay, psychology at trauma.


Ayaw na rin daw niya ng mga kuwentuhang puro materyal na bagay at celebrity gossips. Mas gusto niyang magkaroon ng makabuluhang palitan ng pananaw.


“Ang dami kong natutunan about life, psychology, trauma, mga ganyan. Alam mo ‘yung gusto mong may kabatuhan ka [tungkol sa mahahalagang bagay]. Kaya lang, ‘pag kinausap mo ‘yung iba, Kardashians ang topic. Ayaw ko na,” saad niya.


Inamin din ng aktres na dati niyang iniisip na dahil malinis at totoo ang kanyang intensiyon, ganoon din ang mga taong darating sa kanyang buhay. Pero hindi pala lahat ay pareho niya ng pinahahalagahan. 


Kaya ang payo ni Alessandra sa mga nakararanas ng kaparehong sitwasyon ay matutong kilalanin ang mga taong nasa paligid at huwag ipagpilitang bigyan pa ng pagkakataon ang mga paulit-ulit na nagpapakita ng kanilang tunay na kulay.

Samantala, kasalukuyang ipino-promote ni Alessandra ang pelikulang Status: Rejected na pinagbibidahan ni Ruby Ruiz.


Ang pelikula, na nagwagi ng NETPAC Award sa Cinemalaya at Best Actress para kay Ruby ay mapapanood na sa mga sinehan sa November 18 sa direksiyon ni Vahn Leinard Pascual at mula sa Clever Minds Inc. and Black Cap Pictures.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page