May 5 billboards sa EDSA… DAVID, KA-LEVEL NA NINA PIOLO AT ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | November 14, 2026

Photo: IG _davidlicauco, _piolo_pascual, _aldenrichards02
Si David Licauco ang latest na featured sa Bench Active billboards sa EDSA-Guadalupe. Big deal ang ma-feature sa space na ito dahil hindi lang isa, kundi limang billboards ang magkakatabing itinaas, kaya malabong hindi makita.
Pang-lima pa lang daw si David sa Bench endorsers na na-feature sa tinatawag ng mga fans na ‘mala-lifestyle magazine’ sa dami ng billboards. Ngayon, kasama na ang aktor sa grupo nina Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Alden Richards, at Piolo Pascual na nauna nang nakapaskil sa nasabing area.
Isa siguro sa mga factors sa pagpi-feature kay David ay ang pag-rank niya ng number one sa ginanap na Bench Active Hybrid Games 2026.
Comment nga ni Gerald Anderson, “Kundisyon (fire emoji),” na totoo naman.
Samantala, sa November 20, 2026 na ang streaming ng Viva One series nina David at Ashtine Olviga na Fight For My Way. Nakakatuwa ang mga eksena nilang dalawa, at may mga kinikilig na. Well, bagay kay David ang role bilang si Hanz.
CO-PRODUCER pa rin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Amir, entry sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF). Under their Brightburn Entertainment, ka-collab nila ang GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Second collab production na ito ng mga nabanggit na film outfits. Nauna na silang nagkaroon ng co-production venture sa Green Bones.
Maaalalang si Dennis din ang isa sa lead actors sa nabanggit na pelikula at naulit dito sa Amir.
Tahimik lang na pumasok sa film production ang mag-asawa, walang announcement at walang launching. Nalaman lang nang lumabas ang publicity material ng Amir at binanggit na ang Brightburn Entertainment ay production ng mag-asawang Dennis at Jennylyn.
Sa mga interviews kay Dennis, nababanggit na nito na gusto niyang magprodyus ng pelikula at ang tila ayaw pasukin ay ang pagdidirek. Pero malay natin, dumating ang araw na mabalitaan na lang natin na nagdidirek na siya.
Speaking of Dennis, may comment ito sa post ni Mon Confiado na nakasuot ng Barong Tagalog. Mukhang nag-i-internalize ang aktor sa role na gagampanan bilang isang governor.
Tanong ni Dennis, “Kuya! Na-try mo rin bang magnakaw para sa role mo na ‘yan?”
Sagot ni Mon, “Hahahaha! Napakahirap gampanan nito.”
Nagpaparinig o nagse-shade si Dennis sa kanyang tanong na ikinatawa ng mga nakabasa at may naghanap pa nga ng maleta. Marami rin ang pumuri kay Mon dahil kapag may role, talagang nag-e-effort na kilalanin ang karakter na gagampanan.
May nagtanong kay Mon kung sinong governor ang kanyang peg, bagay na hindi nito sinagot.
MTRCB, naalarma, umaksiyon na…
PAGPAPA-WAX NG PRIVATE PART, BAD BREATH AT BODY ODOR, USAPAN NG MGA PBB HOUSEMATES
NAGTATANONG ang mga netizens na hindi nasusubaybayan gabi-gabi ang Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) pero alam ang mga isyu kung kasama raw ba sa mga reklamo na isinumite sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagbanggit ni Cianne Dominguez na bad breath si Jeo Ong?
Pati na ang naging usapan nina Mikee Quintos at isa pang female housemate tungkol sa pagpapa-wax sa private part bago pumasok sa Bahay ni Kuya?
Well, kaya raw ito nagawa ni Bela Arcal bilang paghahanda sakaling mag-swimming sila at magsusuot ng swimsuit.
Kasama rin ba ang isyu na may putok o body odor diumano si Cianne?
Heto ang official statement ng MTRCB tungkol sa mga reklamo ng mga viewers sa PBB Collab 3.0:
“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) is looking into scenes and interactions in recent episodes of Pinoy Big Brother Collab 3.0 after receiving over 100 complaints from viewers in the past few days.
“The Board had said it would discuss the viewers’ concerns with the show’s production team as part of its review.
“While this is underway, the MTRCB reminded PBB management to exercise greater care to ensure that each episode complies with the guidelines for the reality television show’s assigned age rating.”
Samantala, sinagot na ng ABS-CBN ang statement ng MTRCB. Hintayin natin kung mag-iisyu rin ng statement ang GMA Network.





Comments