Ibinentang mga alahas, sinilipan ng butas… HEART, NAG-ABULOY NA NG P1.25M KAY ATE GAY, NA-BASH PA

ni Julie Bonifacio @Winner | November 13, 2026

Photo: IG _iamhearte
Nag-abuloy na, binash pa si Heart Evangelista. Ayaw talaga siyang tantanan ng mga bashers niya.
Nag-abot kasi ng pera si Heart para sa pamilya ng pumanaw na komedyanteng si Ate Gay. Ito ay tumataginting na P1.25 million.
Mabuti na lang at ipinagtanggol si Heart ng kanyang non-showbiz friend. Nag-post ng video ang NSF (non-showbiz friend) ni Heart at doon ay ibinulgar niya kung saan nanggaling ang milyones na abuloy ng aktres.
Nag-live selling daw ito kasama ang kanyang kaibigan, nagbebenta ng mga alahas last week. Nagbenta sila ng heart jewels, gold, atbp.. Sold-out ang items na ibinenta ni Heart pero umani pa rin ito ng batikos online.
Sey ng mga netizens:
“Milyon ang halaga, may tax ba ang mga ‘yan sa gobyerno?”
“Pera ng bayan.”
“Imagine, ilang libong Pilipino ang nagtrabaho para sa mga jewelries na ‘yan… Tibay!”
Ang kabuuang P1.25M ay binubuo ng P1M na abuloy ni Heart, P200K mula sa kanyang non-showbiz friend at P50K mula sa may-ari ng isang jewelry store.
Well, may mga pumuri naman kay Heart:
“Thank you, Madam (Heart), sa inyo nila Ganda (friend). I’m sure kahit ‘di ka kilala ni Ate Gay, sasabihin n’ya kay God na mas i-bless ka pa at kayo. May your kindness return to you a hundredfold!”
“This group of friends - beautiful inside and out!”
“Bashing non-stop talaga sila! Gumawa ng way si Heart to help, s’ya pa rin ang masama sa mga bashers. Grabe ang hate!”
“Ipakulam na ‘yang mga bashers na ‘yan!!!”
Huwag naman.
Inako ang mali, magbabago na raw…
BINI MIKHA, NAG-SORRY SA PAGLA-LIVE HABANG NAGDA-DRIVE
NAGLABAS ng public apology si BINI Mikha dahil sa ginawa niyang pagla-live streaming habang nagmamaneho sa daan.
Hindi gumawa ng excuse ang member ng P-Pop girl group, sa halip, inako ang kanyang pagkakamali at nangakong mas magiging responsable sa pagmamaneho.
Kaya ipinaalam niya sa social media ang kanyang pagtutuwid sa ginawa niya pagkatapos isuko ang sarili sa Land Transportation Office (LTO) at i-surrender ang kanyang lisensiya.
Narito ang nilalaman ng paghingi ng paumanhin ni BINI Mikha:
“Hi everyone, I want to sincerely apologize for my actions. There is absolutely no excuse for using my phone while behind the wheel. It was careless and irresponsible.
“I take full accountability for what happened. I have already reported to the LTO and am going through due process to face the proper penalties for my violation.
“This has been a big lesson for me to be much more mindful, disciplined, and responsible moving forward. Road safety rules exist to protect everyone, and something we need to take seriously.
“I promise to learn from this and do better.”
Pramis, ha?





Comments