top of page
BULGARY - KIM BUNTIS, KINUMPIRMA SA IG NG DIREKTOR_IG _kimchiu.jpeg

‘Di pa raw handa… JULIA, ILANG BESES NANG NIYAYA NG KASAL, TODO-TANGGI KAY COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
16 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 13, 2026



TEKA NGA - ATASHA, MAY ‘K’ MAGING NEXT SHARON CUNETA_IG _atashamuhlach

Photo: IG_cocomartin_ph



Nang maglabasan ang balita tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak, marami ang nagtataka kung bakit ayaw pang magpakasal ni Julia Montes sa aktor-direktor na si Coco Martin. Pareho naman na silang nasa tamang edad at financially secured na ang aktor na kaya nang bumuhay ng pamilya. 



Responsableng padre de familia rin si Coco dahil hindi ito mahilig sa nightlife at wala ring bisyo. Mas gusto niyang manatili lang sa bahay kapag wala siyang taping o shooting, kaya napakasuwerte raw ni Julia.


Pero bakit nga ba hindi pa nila ginagawang legal ang kanilang pagsasama, lalo na’t may mga anak na raw sila?


Sa isang interview ay tinanong ang aktres tungkol sa isyu ng kasal. Ayon sa kanya, siya raw mismo ang umaayaw na magpakasal kay Coco. Ilang beses na raw siyang niyaya nito.


Para kay Julia, maraming bagay ang dapat ikonsidera, at darating ang tamang panahon na mararamdaman niyang handa na siyang magpakasal.





After 2 board exam, pasado na…

SHARMAINE, VETERINARIAN NA



NAKAPASA na sa Veterinary Medicine board exam ang aktres na si Sharmaine Arnaiz 19 years matapos siyang maka-graduate sa De La Salle Araneta University.

Noong una niyang pagkuha ng board exam ay hindi siya pinalad, pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Sa halip, dinoble niya ang kanyang pagre-review upang mapaghandaan muli ang pagsusulit.


Naging abala si Sharmaine sa kanyang showbiz career kaya hindi agad siya nakapag-exam. Pero hindi niya naramdaman ang ganap na fulfillment dahil hindi pa niya nakakamit ang pangarap na maging veterinary doctor.


Sa awa ng Diyos at kanyang determinasyon, natupad na ni Sharmaine ang pangarap. Likas na mahilig siya sa mga hayop kaya veterinary medicine ang kursong pinili niya.





MARAMI ang nagtataka kung bakit sumali pa sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 ang rich kid na vlogger na si Jeo Ong. Mayaman na ang kanyang pamilya at marami silang negosyo sa Palawan nang dahil sa YouTube (YT) vlogging.


Kung tutuusin, hindi na niya kailangang sumikat at maging artista dahil kaya naman niyang bilhin ang lahat ng bagay na gusto niya. Hindi rin breadwinner ng pamilya si Jeo.

Well, baka gusto lang niya ng public attention at makilala sa showbiz?


For sure, bubuhos ang boto kay Jeo at hindi siya mae-evict sa Bahay ni Kuya. All-out ang ibibigay na suporta ng kanyang pamilya. Marami rin siyang kaibigan na tutulong para siya ang tanghaling Big Winner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page