top of page
Search
  • BULGAR

Tapatan, naudlot… VILMA PASOK, NORA LAGLAG SA MMFF 2023

ni Julie Bonifacio @Winner | October 18, 2023


Bigo ang mga fans ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor na makapasok ang pelikula niya para sa 2023 Metro Manila Film Festival.


Inaasahan pa naman nila ang muling “pagtatapat” ng mga pelikula ni Nora at ng archrival niya na si Star for All Seasons Vilma Santos sa MMFF this December.


Ang saya-saya kaya kapag may pelikula sina Nora at Vilma separately sa MMFF noon.


Kaya marami ang hoping na parehong makapasok ang pelikula nina Nora at Vilma.


Pero nalungkot ang mga Noranians dahil laglag ang movie ni Nora titled Pieta na makapasok sa December filmfest.


While Vilma’s comeback movie and at the same time, reunion nila ng kanyang perennial love team sa big screen na si Christopher de Leon titled When I Met You in Tokyo ay pasok sa 10 official entries sa MMFF.


Kaya bigong mabuhay ang patutsadahan ng mga fans ng dalawang aktres sa panahon ng MMFF.


Nakuha naman ng movie nina Pokwang at Eugene Domingo, ang Becky and Badette, ang slot for comedy genre na palaging “pinagrereynahan” ni Unkabogable Vice Ganda.


At kung laglag ang iba pang 20 films na nagpasa ng kanilang finished film sa MMFF screening committee, not one but two films ni Piolo Pascual ang napili.


Wala naman sigurong “favoritism” na kaya dalawa ang movies ni Piolo sa MMFF ay dahil producer ng breakthrough film ng aktor na Lagarista si Jesse Ejercito, ang chairman ng screening committee.


Ipinaliwanag naman ng dating producer na si Jesse kung bakit naging anim instead of only four lang ang kukumpleto sa Magic 8 ng MMFF.


Pare-parehong nakakuha raw ng 93.3% rating from the committee ang number 4, 5, and 6.


Kasama sa anim na pelikulang kukumpleto sa nauna nang apat na nakapasok sa Top 10 ay ang Mallari nina Piolo Pascual and Janella Salvador.


With the lineup of films na napili, hoping ang mga taga-movie industry na dumugin ang mga sinehan kung saan palabas anģ star-studded films na kasama sa 2023 MMFF.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page