Tapang ng Pinay na mandirigma sa ONE, ipamamalas ni Olsim
ni MC - @Sports | August 26, 2021

Nagbabanta ang Vietnamese-American na si Bi Nguyen ng Vietnam kay Pinay Lady Lakay Jenelyn Olsim at sabi "I’m going to drag her into deep waters and drown her."
Ang babaeng Lakay, di aatras diyan at makikipagbakbakan ito ng buong tapang, dahil iba ang asim ni Olsim.
Kahit pa galing sa pinakamalaking panalo si Bi "Killer Bee" Nguyen at pakay na mapanatili ang atomweight ranks sa ONE Championship, tingnan natin kung magtatagumpay siya. “I learned that I was at a little plateau in my career and I needed something to light a fire under me and the Ritu [Phogat] matchup did just that,” ayon kay Nguyen.
Tatlong sunod na laban ang ipinanalo ni Nguyen sa mixed martial arts competition, tinalo si Ritu Phogat noong Mayo sa split decision victory. Iyon ang pinakamabigat at pinakamatagumpay niyang laban sa career.
Magbabalik si Nguyen sa ONE: BATTLEGROUND III, isang tape-delayed event sa Singapore Indoor Stadium na isasaere ngayong Agosto 27, Biyernes at makakatunggali si Olsium, ang rising star na Pinay warrior na may 4 na panalo sa 6 na laban, kabilang ang 2 submission finish at malakas ang background sa Muay Thai.
Mas mataas si Olsim at mahahaba ang biyas, pero di raw masisindak dito si Nguyen, “I never lost confidence, I’ve always fought the best of the best, I’ve always put on great performances.”
Sakali namang palarin ang Pinay sa laban, sasabak si Olsim sa ONE: Empower, ang all-girl fight card sa Setyembre 3 at kung magwagi pa ay papasok siya bilang reserve fighter sa Grand Prix in case may ma-injured na scheduled fighters.





Comments