top of page

Taob sina Sharon at Regine… SARAH, P1 M PER SONG DAW ANG TF SA SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 8, 2024



Showbiz News

Parang hindi naman makatotohanan ang balitang P1 million ang bayad kay Sarah Geronimo sa bawat kanta niya sa malalaking corporate shows. Ibig bang sabihin nito ay mas mataas ang talent fee ni Sarah kesa kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez? 


For sure, hindi P1 million ang bayad per song kina Megastar at Asia’s Songbird. Talent fee na nila ‘yun sa isang buong concert. 


Kahit pa ang malalaking private companies ay hindi magbabayad nang milyones kay Sarah para kumanta sa kanilang event. Marami namang magagaling na singers na puwedeng kunin na mababa lang ang talent fee.


Sa panahon ngayon na maraming artists-singers ang naapektuhan ang career nu’ng pandemic, hindi na gaanong pumapatol ang mga producers sa mga singers na sobrang taas ng talent fee. Kaya kailangang mag-adjust ang mga artists-singers upang magkaroon ng pagkakakitaan.



MARAMI ang labis na nagtataka kung bakit inilihim ni Jayda Avanzado sa kanyang parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na nagkaroon pala sila ng relasyon noon ni Darren Espanto.


Si Darren, hindi rin nababanggit sa mga interviews na minsan ay nanligaw siya kay Jayda Avanzado, kahit na ‘yung iba na na-link sa kanya ay inamin naman niya. 


May pumigil ba sa kanilang relasyon ni Jayda o sadyang hindi lang seryoso noon si Darren dahil career ang kanyang priority? 


Sey tuloy ng mga netizens, may pagka-chickboy din pala itong si Darren. 

Depensa naman ng mga fans niya, at this point of his career, hindi pa panahon upang magseryoso siya sa pakikipagrelasyon. 


Maraming opportunities ang hindi niya dapat palagpasin. Dapat na samantalahin ni Darren ang mga dumarating na projects sa kanya ngayon. Malapit na niyang maabot ang pangarap niya sa kanyang showbiz career.



ANG pagiging TikTok Superstar ang naging daan upang tuluyang makapasok sa showbiz itong si Queenay Mercado na isang certified Batangueña. 


Kinaaaliwan ng marami ang kanyang TikTok lalo na’t lutang ang kanyang Batangueña accent. 


Artistahin naman ang hitsura nitong si Queenay, smart din siya at maaliwalas ang kanyang awra. 


Isa si Queenay sa mga napili ni Willie Revillame upang maging isa sa mga co-hosts niya sa game show na Wil To Win na mapapanood na sa July 15, 5 PM sa TV5. 


Walo ang magiging Win Girls ni Revillame sa kanyang game show. 

Pangarap talaga ni Queenay Mercado ang maging artista. Idol na idol niya si Sarah Geronimo at super crush niya ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Wish niyang makatrabaho ito someday.  


Malaki ang chance ni Queenay na sumikat, mabigyan lang ng magandang exposure at projects.



NANG mag-guest ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa Fast Talk with Boy Abunda ay napag-usapan nila ang mister niyang si Gerald Sibayan. 


Labis ang pasasalamat ni Ai Ai sa kanyang mister dahil sa pagiging “good provider” nito sa kanilang pamilya. 


Ngayong nasa San Francisco, California sila ay si Gerald ang tumatayong breadwinner at nagpo-provide ng kanilang mga pangangailangan. 


Kahit na may trabaho naman si Ai Ai sa isang senior facility, taliwas ito sa sinasabi ng iba na si Ai Ai delas Alas lang ang tumatayong breadwinner at walang naiaambag si Gerald Sibayan. Kaya ganu’n na lamang ang pagtatanggol ng Comedy Queen sa kanyang mister. Napakasipag at very supportive raw ni Gerald Sibayan. 


Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay pinatunayan ni Gerald na totoong minahal niya si Ai Ai at hindi ang yaman nito ang kanyang habol. 


Truly blessed at lucky si Ai Ai delas Alas dahil bibihira ang lalaking katulad ni Gerald Sibayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page