Taob sina Julia, Claudia at Leon… DANI, PAPA PA RIN ANG TAWAG KAY DENNIS KAHIT ‘DI TUNAY NA AMA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 15, 2021

Tatakbo palang konsehal sa District 2 ng Caloocan City si Dennis Padilla at kundi kami nagkakamali, umupo na rin noong konsehal sa Caloocan City si Dennis.
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Dennis ang mga giveaways niya para sa kanyang mga constituents at nakita naming may t-shirts, bottle spray at kung anu-ano pa.
Si Janno Gibbs, nang-arbor ng t-shirt at tiyak na bibigyan ni Dennis, lalo na kung tutulong siyang ikampanya ang kaibigan. Next year pa magsisimula ang kampanya at puwede na siguro ang face-to-face that time.
Sa isa pang post ni Dennis, larawan ni Leon Barretto noong bata pa ito ang kanyang inilabas at may caption na: “Leon Marcux... Miss u anak! Love you... Nov. 10, 2011,” na petsa nang kunan ang litrato. Matagal na pala ito, kaya pala nami-miss na siya ni Dennis.
Walang sagot si Leon sa post ng ama at napansin ng mga followers ni Dennis na hindi na nito itinag ang mga anak na sina Julia at Claudia Barretto. Tanging si Dani Barretto na hindi naman niya biological daughter ang itinag ni Dennis na in fairness, sumasagot sa mga posts ng aktor at “Papa” pa rin ang tawag sa kanya.





Comments