top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Taob pa ni Echo na to the rescue sa mga binaha…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
1 min read

COCO, SA TV LANG HERO, MISSING IN ACTION IN REAL LIFE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 14, 2020




Maraming sumaludo at humanga sa ginawa ni Jericho Rosales at ng kanyang misis na si Kim Jones nang tumulong at nag-rescue ng mga binahang residente sa Tumana, Marikina City nu'ng Huwebes.


Sa Marikina lumaki at nanirahan si Echo bago pa nag-artista at hindi siya nakakalimot sa mga dating kaibigan-kakilala.


Kaya nang mapanood niya sa news sa TV ang panawagan ng ilang residente na nakulong sa baha at nagpapasaklolo, agad-agad silang nagpunta ng kanyang wifey para mag-rescue. At labis-labis siyempre ang pasasalamat ng mga natulungan ni Jericho Rosales.


Samantala, may ilan tuloy ang nagtatanong kung nasaan naman si Coco Martin nang bumaha dahil sa Bagyong Ulysses? Si Coco kasi ang may imaheng 'superhero' dahil sa kanyang role sa Ang Probinsyano. Siya ang tagapagtanggol ng mahihirap at tumutulong din sa ilang kasamahan sa showbiz na nawalan ng trabaho.


Marami nang naipundar si Coco Martin. Sobra-sobra na sa sarili niya ang kanyang yaman. Kaya ang inaasahan sa kanya ng lahat ay makita siyang tumutulong sa kapwa kapag oras ng trahedya.


Hindi kaya alam ni Coco Martin ang mga kaganapan sa kanyang paligid? Natutulog lang ba siya nang bumaha sa maraming lugar?


Well, bukod sa mayor ng bawat lungsod, nag-aabang din ang publiko kung sinu-sinong celebrities ang lalabas ng bahay at magbibigay ng ayuda sa panahon ng kalamidad.


Dati-rati ay nangunguna si Angel Locsin at maging sina Piolo Pascual, Ai Ai delas Alas, Bea Alonzo atbp.! Kahit ilang buwan din na walang kita ang mga artista dahil sa Covid pandemic, still, may mga artistang handa pa ring tumulong at magbigay ng ayuda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page