Tanggap naman ng GF na si Elle… DERRICK, WALANG PAKI SA GAY ISSUE SA KANYA
- BULGAR
- Jan 4, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 4, 2024

May gay issue pala kay Derrick Monasterio na kanyang sinagot nang mag-guest sila ng girlfriend na si Elle Villanueva sa Fast Talk with Boy Abunda para i-promote ang afternoon series nilang Makiling. Sa January 8, 2024 na kasi ang premiere ng revenge series ng GMA-7.
Maganda ang sinabi ni Derrick na hindi siya apektado sa isyu sa kanyang gender.
“Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla, eh, wala namang masama doon? Siguro, kailangan mas maging open-minded na ang mga tao ngayon, Tito Boy. Hindi okay kapag gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit, kasi there’s no such things, eh, illusion lang.”
Nasa tabi ni Derrick si Elle habang nagsasalita siya at sila pa rin naman after that guesting at ibig sabihin, hindi rin bothered si Elle sa tsismis sa dyowa niya. No issue naman talaga ito, kaya closed na ang topic.
Anyway, may post si Derrick patungkol kay Elle at mapapansing proud siya sa GF.
“First work of 2024 happens to be at @fasttalkgma as usual, it was fun, spontaneous and very informative. Less than a week til our baby Makiling premieres. Excited na 'ko sobra at sobrang proud ako kay Jamini @_ellevillanueva isa ka sa mga pinakamahusay na actresses na nakatrabaho ko (no bias) at ang dami ko natutunan sa 'yo! The world better watch out for her brilliance. Alex’s journey with Amira will start very soon.”
Comments