Tanggap na raw ng mga Pinoy… LIPS-TO-LIPS NG 2 LALAKI, PASADO SA MMFF COMMITTEE
- BULGAR

- Dec 22, 2020
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 22, 2020

Napanood na namin ang The Boy Foretold by the Stars, ang first movie na ipinrodyus ni Jodi Santamaria via her Clever Minds Productions, sa special screening kahapon with the entertainment press and whole cast of the film na idinirek ni Dolly Dulu.
Ngayon pa lang, tiyak na kaming kung hindi man mag-No. 1 ay isa sa mga pelikulang mangunguna sa Metro Manila Film Festival sa Dec. 25, via online platform na upstream.ph, ang pelikulang pinagbibidahan ng aminadong member ng LGBT community na si Adrian Lindayag at ng guwapong baguhang aktor na si Keann Johnson.
Bukod kasi sa mga kilig scenes sa movie sa pagitan nina Adrian at Keann (yes, surprising dahil pareho silang lalaki, but true, ha?! Watch n'yo nang ma-prove n'yo!), ang sarap-sarap titigan at panoorin ni Keann na walang pangit na anggulo at mahal na mahal ng camera.
Hindi kami magtataka kung after The Boy Foretold by the Stars ay maging matinee idol si Keann at sumunod sa yapak nina Daniel Padilla, Enrique Gil at James Reid dahil ang lakas ng dating niya sa big screen. Sayang nga lang at hindi sa mga sinehan mapapanood ngayon ang movie.
May pagka-inglesero si Keann kaya nakikita namin sa kanya si James Reid lalo't may hawig sila. Mas bata lang siya at mas fresh pa kesa kay James.
Natanong nga namin si Keann kung sino ba ang dream niyang makapareha kung saka-sakaling mag-level-up ang career niya after this movie.
Nataranta ang guwapong binata at napaisip at maya-maya, inamin ding si Kathryn Bernardo ang dream niyang makasama sa isang project.
Samantala, tinanong din namin si Adrian kung sino naman ang dream niyang maging leading man bukod kay Keann. Pag-amin niya, si Joshua Garcia!
Oh, ha? Puwede!!!
Anyway, isa sa mga nagpakilig nang bongga sa amin ay ang kissing scene nina Adrian at Keann na hindi na namin ikukuwento kung paano nila ginawa. Watch n'yo na lang para kiligin din kayo.
Basta pag-amin ni Keann, nag-enjoy siya sa lips-to-lips nila ni Adrian lalo't pareho nilang first time ang isa't isa.
Talbog!
Kaya naman natanong ng kasamahan naming si Gorgy Rula si Direk Dolly kung sa tingin daw ba niya ay handa na ang manonood sa mga ganitong pelikula kung saan may kissing scene ang dalawang lalaki.
Sagot naman ni Direk Dolly, the fact na in-approve ng MMFF committee ang movie at ayan nga, kasali sila sa 10 entries, siguro naman daw ay nakita ng pamunuan na handa na ang mga Pinoy na tanggapin ang mga ganitong eksena.
Isa pa, ani direk, hindi naman kalaswaan ang ipinakita nila sa movie kundi kuwento ng dalawang pusong nag-iibigan na may parehong kasarian at may lesson na matututunan sa movie.
Sabi nga ni Adrian, kahit ang kanyang pamilya ay tanggap ang kanyang ginawa sa movie at excited na rin daw ang mga ito na manood sa Dec. 25 ng The Boy Foretold By The Stars.
Kasama rin sa pelikula si Iyah Mina na gumanap bilang manghuhula at sina Renshi De Guzman at Rissey Reyes.
In fairness, hindi pa man super-sikat ang mga bida sa first movie venture ni Jodi, ang gagaling nilang umarte at hindi ka makakaramdam ng inip o pagkabagot dahil may romance na, may comedy pa. Pramis!





Comments