Tanggap na ni Jinkee… 19-ANYOS NA ANAK NI PACQUIAO SA IBANG BABAE, BOKSINGERO NA RIN
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 25, 2023

Tila tanggap naman daw ni Jinkee Pacquiao ang sinasabing love child ng mister niyang si former Senator Manny Pacquaio na si Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao, 19 years old at isa na ring boksingero.
Marami na ngang larawan ni Eman (tawag kay Emmanuel) na naglabasan na kasama niya ang alleged father niyang si Manny.
Sa vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi ay isa nga ito sa mga napag-usapan at aniya, sa tingin niya ay tanggap ni Jinkee ang bata.
“I think so. Kasi may picture si Eman at si Manny Pacquiao na magkasama. So, kung itinatago naman ni Manny ‘yun, hindi siya magpapa-picture. At hindi siya makikipagkita siguro, ‘di ba?
At hindi niya dadalawin ang anak niya na nag-eensayo ng boxing,” sey ni Ogie.
May photo nga rin kasing lumabas na makikitang nasa isang boxing gym sina Manny at Eman. Tila si Pacman pa raw ang nagte-train sa anak.
Sey pa ni Mama Ogs, aware raw si Jinkee na may anak ang mister niya sa ibang babae.
“At nakakatuwa si Jinkee dahil according to my source na kaibigan namin ni Jinkee, common friend namin ni Jinkee, sinabi raw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na ‘Go ahead, suportahan mo ‘yan kasi anak mo ‘yan,’” kuwento ni Ogie.
Pinuri nga ng talent manager/vlogger ang magandang attitude na ito ni Jinkee.
Samantala, si Eman ay anak ni Joanna Rose Bacosa na diumano ay humihiling noon ng child support kay Manny nu'ng taong 2006 at 2011. Kaya hindi na rin daw bago sa iba ang issue na may anak si Pacman sa ibang babae.
Nitong nakaraang Setyembre ay pinasok na ni Eman ang mundo ng professional boxing at lumaban sa Blow by Blow event promoted by Manny.
Samantala, bukas ang aming kolum para sa panig o anumang pahayag ng mag-asawang Manny and Jinkee tungkol dito, gayundin ang panig ni Eman.





Comments