Tanggap daw ng mister… JUDAY, AMINADONG KAHIT MAY RYAN NA, MAY IBA PANG GUSTONG LALAKI
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 21, 2021

Ang namayapa palang King of Rap na si Francis Magalona ang ultimate crush ni Judy Ann Santos.
Nainterbyu ng celebrity doctor na si Aivee Teo ang Teleserye Queen para sa kanyang Aivee Day YouTube Channel.
Inamin ni Juday na biggest showbiz crush niya ang late rapper.
Kuwento ng misis ni Ryan Agoncillo, "Oo. Patay na patay ako sa kanya. Kilig na kilig talaga ako sa kanya."
Alam daw ni Ryan na crush niya si Francis kahit na nu’ng maging sila na ng Eat…Bulaga! host.
"Tapos, nalalaman ko, kasama niya (Ryan) si Francis Magalona. Tuwing magte-taping siya, pumupunta talaga ako," sabi pa ni Juday.
Sobrang bait daw kasi ni Francis kaya nagustuhan niya ang King of Rap.
"Ang bait-bait kasi ng taong 'yun. Saka, kilig na kilig talaga ako sa kanya tuwing nakikita ko siya."
Si Francis ay namatay sa leukemia ilang buwan bago ikinasal sina Juday at Ryan nu’ng 2009.
Ang isa pang crush ng aktres ay si JC Bonnin.
Hindi na idinetalye ni Juday kung ano ang nagustuhan niya kay JC na bumida sa Bagets.
Tinanong naman ni Dra. Aivee kung nagka-crush din daw ba siya kay Aga Muhlach na pinakabida sa Bagets.
Sagot ng Teleserye Queen, very, very good friends sila ni Aga.
“Ano kami ni Aga, mas hangout buddies kami. Pero matanda na kami noon pareho. Parang feeling ko, mas okay kaming barkada. Ganu'n lang talaga kami.”
Na-mention din ang kanyang kalabtim na si Wowie de Guzman, ang umano’y kanyang first ever boyfriend.
Sey ni Juday, wala silang ani-anniversary ni Wowie dahil mga bata pa sila that time.
"Parang on-off, on-off, away-bati, okay-hindi. So, parang hanggang sa point na tumatanda ka na, nare-realize mo na 'Ay, hindi naman pala talaga ito totoo.'”
Sina Judy Ann at Wowie de Guzman ang sikat na love team nu’ng 1990's.





Comments