Tambay sa ‘Pinas 2M na, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!
- BULGAR

- Jun 8
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 8, 2025

SP ESCUDERO HUWAG NANG KUMANDIDATO SA 2028, MALAMANG MATALO LANG -- Pinuputakti ngayon ng batikos ng iba’t ibang sektor si Senate President Chiz Escudero kaugnay sa delaying tactic niya sa impeachment proceedings kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.
Dahil sa napakaraming bumabatikos sa kanya, ang pinakamainam niyang gawin ay huwag na siyang kumandidato sa anumang posisyon sa 2028 election kasi siguradong talo lang ang aabutin niya, boom!
XXX
MGA SENADOR SA 20TH CONGRESS, 11 PRO-IMPEACHMENT, 10 ANTI-IMPEACHMENT, 4 ANG PLAYING SAFE -- Sa ngayon ay 11 senador na ang nagsabing nasa Konstitusyon na dapat ituloy ang impeachment trial sa sinumang mataas na opisyal ng pamahalaan, at sila ay sina Sen. Alan Cayetano, ang ate niyang si Sen. Pia Cayetano, malamang susuporta rin sa impeachment trial. Nagsalita na rin sina incoming Senators Tito Sotto at Ping Lacson, sina Sens. Sherwin Gatchalian at JV Ejercito na pabor sila sa impeachment trial. Sina Sen. Risa Hontiveros, incoming Sens. Bam Aquino at Kiko Pangilinan, at magkapatid na Sen. Raffy Tulfo at incoming Sen. Erwin Tulfo ay sure na pro-impeachment ang mga iyan dahil panay atake ng kuya nilang si Mon Tulfo sa pamilya Duterte.
Ang mga anti-impeachment naman ay nasa 9 lang at sila ay sina Sens. Imee Marcos, Bong Go, Ronald Dela Rosa, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Migs Zubiri. Si incoming Sen. Rodante Marcoleta anti-impeachment din. Hindi man nagsasalita sa isyu sina Sen. Mark Villar at incoming Sen. Camille Villar, malamang anti-impeachment din sila dahil anti-impeachment ang ermat nilang si outgoing Sen. Cynthia Villar. Si SP Escudero halata naman na anti-impeachment din siya.
Ang mga playing safe naman na hindi malaman kung pro o anti-impeachment ay sina Sens. Lito Lapid, Joel Villanueva at Loren Legarda, period!
XXX
KAPAG SINA SENS. LAPID, VILLANUEVA AT LEGARDA NAG-ANTI-IMPEACHMENT, REJECT NA ANG IMPEACHMENT PERO KAPAG 2 LANG SA KANILA ANG NAG-PRO-IMPEACHMENT, TULOY ANG IMPEACHMENT TRIAL -- Ang kapalaran ni VP Sara para huwag ituloy sa 20th Congress ang impeachment trial sa kanya ay na kina Senators Lapid, Villanueva at Legarda.
Kapag ang 3 na iyan ay nag-anti-impeachment plus 10 na pro-Duterte senators, 13 ang bilang nila at majority sila, kill na ang impeachment, pero kapag kahit 2 lang sa mga iyan ay bumoto pabor sa impeachment plus 11 pro-impeachment senators, siguradong tuloy ang impeachment trial, abangan!
XXX
WALANG PUMAPASOK NA FOREIGN INVESTORS, KAYA SIYEMPRE DADAMI TALAGA ANG TAMBAY SA ‘PINAS -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa higit 2 milyong Pinoy ang naiulat na walang trabaho.
Sus, hindi naman na dapat pang i-memorize iyan, kasi wala namang pumapasok na foreign investors sa panahon ng Marcos administration, kaya siyempre, dadami ang tambay, boom!







Comments