Tamang proseso para makapasok ng armas na galing ibang bansa
- BULGAR
- Dec 6, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 06, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang tatay ko ay uuwi ng Pilipinas at nais niyang dalhin ang kanyang baril na rehistrado at lisensiyado sa Canada. Maaari ba niyang gawin iyon? – Matt
Dear Matt,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act (R.A.) No. 10591,o kinikilala bilang "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. Nakasaad sa Section 22 ng R.A. No. 10591 na:
“SEC. 22. Deposit of Firearms by Persons Arriving From Abroad. – A person arriving in the Philippines who is legally in possession of any firearm or ammunition in his/her country of origin and who has declared the existence of the firearm upon embarkation and disembarkation but whose firearm is not registered in the Philippines in accordance with this Act shall deposit the same upon written receipt with the Collector of Customs for delivery to the FEO of the PNP for safekeeping, or for the issuance of a permit to transport if the person is a competitor in a sports shooting competition. If the importation of the same is allowed and the party in question desires to obtain a domestic firearm license, the same should be undertaken in accordance with the provisions of this Act. If no license is desired or leave to import is not granted, the firearm or ammunition in question shall remain in the custody of the FEO of the PNP until otherwise disposed of in-accordance with law.”
Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, ang sinumang pupunta sa Pilipinas na may dalang armas na kanyang legal na pagmamay-ari alinsunod sa batas ng bansang kanilang pinagmulan, at kung saan ito ay may kaukulang deklarasyon ay maaaring ipasok sa Pilipinas ang nasabing armas, bagama’t ito ay hindi rehistrado sa ilalim ng R.A. No. 10591. Subalit, kailangan muna niyang ideposito ang kanyang armas sa Collector of Customs na siyang maghahatid nito sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) para sa ligtas na pagtatago at sa pagbibigay ng kaukulang permiso para rit.
Nakasaad din sa batas na kung ang pag-aangkat ng kanyang dalang armas ay pinahihintulutan ng ating batas, ito ay maaaring magawaran ng lisensiya alinsunod sa probisyon ng R.A. No. 10591. Subalit, kung hindi niya nanaisin na ito ay mabigyan ng lisensiya o ang pag-angkat ng kanyang armas ay hindi pinahintulutan, ang nasabing armas ay mananatili lamang sa kustodiya ng FEO ng PNP liban lamang kung ito ay ipasira o ipatapon alinsunod sa batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments