top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Tamang paglilinis para iwas-germs!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2021
  • 3 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 22, 2021





Hello, Bulgarians! Nang magsimula ang pandemya, karamihan sa atib ay naging mas madalas na ang paglilinis para disimpektahin ang bawat sulok ng bahay.


Hindi iyon masamang gawi, ang malinis na tahanan ay lumilikha ng mas kaunting espasyo para sa mga mikrobyo na nagdadala ng sakit at malamang na nakahahawa pa.


Tandaan: ang bakterya ay maaaring dumami sa loob lamang ng 24-oras, bagay na hindi basta napapansin.


Ayon sa survey, tumatagal ng dalawa hanggang apat na oras kada linggo para malinis ng indibidwal ang kanilang tahanan. Gayunman, ang hindi epektibong mga gawi sa paglilinis ay maaaring higit pang magpakalat ng mga unwanted organism sa mga lugar na hindi dapat.


Hinihikayat ng Domex, the germ-killing expert, ang publiko na muling bisitahin ang ilang paraan ng paglilinis upang matiyak na ang bawat palikuran ng mga tahanan ay protektado mula sa mga unwanted invader.


*Pagpupunas sa mga bagay gamit ang parehong cleaning tool. Kung gumagamit ka ng mga espongha o panlinis na tela upang punasan ang mga bagay, malamang na naglilipat ka lang ng higit pang mga mikrobyo mula sa isang lugar patungo sa isa pa!


Pinakamainam na maglaan ng tool sa paglilinis para sa mga partikular na lugar upang matiyak na mas mababa ang panganib ng paglipat ng mga mikrobyo.


*Pag-iwan sa toilet cover up kapag nag-flush ng toilet. Alam mo ba na mayroong humigit-kumulang 2.3 milyong mikrobyo sa iyong palikuran? At malamang na hindi mo alam ay maaari kang magdagdag ng higit pa sa numerong iyon sa tuwing ipa-flush mo ang iyong kubeta nang nakabukas ang takip ng upuan. Ang lagaslas ng tubig ay naglulunsad ng fecal bacteria (E. Coli at fecal coliform), kaya tiyaking nakababa ang toilet seat cover at nakasara ang banyo para mas matagal na walang mikrobyo – at huwag kalimutang maglagay ng germ-killing expert kapag oras na ng paglilinis.


*Pagkuskos/pagpupunas ng mga produktong panglinis. Kapag nagdidisimpekta ng mga bagay, mahalagang hayaang magtagal ang gagamiting cleaning solution. Pinakamahusay na paraan upang matiyak na masulit mo ang paglilinis, alisin muna ang anumang dumi o mantsa na maaaring namuo sa paglipas ng panahon. Kapag malinis na, oras na para mag-apply ng disinfecting agent para maalis ang mga mikrobyo na hindi mo nakikita.


*Paggamit ng ordinaryong laundry bleach panglinis ng banyo. Ang laundry or thin laundry bleach ay maaaring pumatay ng mga mikrobyo; gayunman, ang ganitong uri ng panglinis ay hindi ginawa upang dumikit sa ibabaw upang panatilihin itong malinis nang mas matagal. Kaya naman, hindi ipinapayong linisin ang palikuran gamit ang parehong solusyon na ginagamit sa paglilinis ng mga damit.


Mabisang ginagawa ng Domex Ultra Thick Bleach ang trabaho kapag ginamit na puro dahil inaalis nito ang mga mikrobyong naninirahan sa mga palikuran at nagbibigay ng 3x na mas mahabang proteksiyon kaysa sa thin bleach (batay ito sa mga mapagkakatiwalaang lab test!).


*Pag-iimbak o pagtabi ng kagamitan sa paglilinis pagkatapos gamitin. Pagkatapos ng trabaho, karamihan ay ibabalik ang kanilang tool sa imbakan o lalagyan. Ang madalas na nakakalimutan ay dapat mo ring linisin ang mga tool sa sandaling tapos ka na sa mga ito, malamang na dumami ang mga mikrobyo na sinusubukan mong iwasan kung hindi mo lilinisin pagkatapos gamitin ang mga ito.


Ang aming inirerekomendang paraan sa paglilinis ng mga tool ay ang paglalagay ng solusyon ng Domex na hinaluan ng tubig, maghintay ng ilang minuto, banlawan, at hayaang matuyo magdamag. Gamitin itong muli sa susunod na araw at ulitin ang proseso ng paglilinis.


Ang malinis na tahanan ay kinakailangan, upang matiyak na ang bawat espasyo ay walang mikrobyo na nagdudulot ng sakit, pinakamahusay na gawin ito kasama ang pangmatagalang eksperto sa pagpatay ng mikrobyo. Walang perpektong oras ngunit ngayon balikan ang iyong mga gawi sa paglilinis at i-level up ang iyong paglaban sa mga mikrobyo gamit ang #UnstoppableDomex, lalo na’t ang Nobyembre 19 ay World Toilet Day!


Tiyaking mayroon kang malinis na palikuran at malinis na tahanan na may Domex Ultra Thick Bleach. Available ang mga produkto ng Domex sa Shopee, Lazada at mga supermarket sa buong bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page