Tamang lalaki na raw, Bea… SUE, GAME NANG PABUNTIS KAY DOMINIC
- BULGAR

- 5 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 17, 2026

Photo: Sue Ramirez - IG
First team-up pa lang nina Sue Ramirez at Rico Blanco sa Regal Entertainment movie na Project Baby, pero malakas pala ang chemistry nila. Trailer pa lang, ramdam mo nang click sila.
Rom-com ang movie kung saan ang istorya ay tungkol sa isang treintahing babae played by Sue na gusto nang magkaanak dahil naghahabol sa kanyang biological clock, pero ayaw niya ng commitment, gusto lang magpabuntis, kaya naghanap ng ‘magpe-fertilize’ sa kanya.
Hanggang sa makilala nga niya ang character ni Rico na napili niyang maging daddy ng kanyang anak. Kaso, maiinlab ito sa kanya, na hindi naman niya magawang mahalin dahil ayaw nga niya ng commitment. So, paano na?
Sa grand mediacon ng Project Baby kahapon, inamin ni Sue na bata pa lang siya, talagang gustung-gusto na niyang mabuntis at maging ina.
Idol niya ang kanyang ina dahil sa nakita niyang sakripisyo nito sa kanilang ama na bedridden at sa kanilang 5 magkakapatid. Kaya kung magiging ina siya, kung paano raw siya pinalaki ng kanyang nanay, ganu’n din ang gagawin niyang pagpapalaki sa kanyang anak.
Pero habang tumatanda siya, siyempre ay nag-iiba ang kanyang priorities at depende rin naman daw ‘yun sa magiging partner niya, kaya nasabi ni Sue na buti na lang at hindi siya nabuntis agad nu’ng bata pa siya dahil kung hindi, baka hindi siya artista ngayon.
Tinanong namin si Sue kung nakikita ba niya sa boyfriend na si Dominic Roque na puwede itong maging daddy ng magiging baby niya, at ang bilis ng sagot ni Sue na puwedeng-puwede.
Nakikita raw niya kay Dominic ang mga qualities na magiging good daddy ito kaya “Why not?” ang sagot ni Sue sa tanong kung game siyang magpabuntis dito.
Sabi nga niya, basta “tamang tao” raw, ‘yun lang ang hanap niya at hindi kailangang sobrang yaman. Ang mahalaga ay ‘yung committed at responsable.
Samantala, tinanong naman namin si Rico kung may dapat bang ikakaba si Dominic sa bed scene nila ni Sue sa Project Baby at natawang sabi nito, kaibigan niya ang ex-BF ni Bea Alonzo at kaibigan din daw niya si Sue kaya strictly professional lang ang mga ginawa nilang eksena sa Project Baby na palabas na sa June 10 sa mga sinehan.
Mula sa direksiyon ni Eric Quizon at story ni Jose Javier Reyes, ang Project Baby ang next offering ng Regal Entertainment nina Ms. Roselle Monteverde at Keith Monteverde after ng Almost Us nina Fyang Smith at JM Ibarra.
Asikasung-asikaso raw ng aktres paggising pa lang… COCO AT JULIA, UMAMING 15 YRS. NA SILA
FINALLY ay inamin na nina Coco Martin at Julia Montes na 15 years na silang magkarelasyon.
Sa panayam sa mga bida ng upcoming seryeng Sigabo na inilabas sa CCM Film Productions Facebook page, ikinuwento nina Coco at Julia na sa Walang Hanggan serye talaga nagsimula ang kanilang love story.
Pero, una raw silang nagkita at nagkakilala sa Pangarap Kong Jackpot sa IBC-13 kung saan bagets na bagets pa raw si Julia.
Nagkasama raw uli sila sa seryeng Ligaw na Bulaklak pero bata pa rin si Julia at hindi sila nagkaeksena ni Coco.
Muli raw silang nagkita sa isang party na inorganisa ng Dreamscape executive na si Sir Deo Endrinal (SLN). Nasa Mara Clara raw that time si Julia, habang nasa Minsan Lang Kita Iibigin serye naman si Coco.
Nang makita raw niya roon si Julia, dalagang-dalaga na at ang tingin niya rito ay party girl kaya hindi na raw niya naging crush. Maka-luma raw kasi si Coco at ayaw sa mga babaeng party girl.
Sunod daw silang nagkasama sa isang endorsement ng Boardwalk pero “hi-hello” lang din sila.
At nu’ng magbida na nga si Coco sa Walang Hanggan, hiningi raw niya kay Sir Deo na si Julia ang maging leading lady niya dahil nakita niyang ang galing-galing nito sa Mara Clara.
Pero sa simula raw ng taping nila ng Walang Hanggan, sinusungitan pa ni Coco si Julia dahil ang tingin niya rito ay yumabang dahil sa success ng Mara Clara.
At habang nagte-taping sila noon, napansin din ng writer ng show na hindi sila okay kaya tinanong nito si Julia kung hindi raw ba crush si Coco.
Inamin naman ni Julia na crush din niya ang aktor kaya lang ay sinusungitan nga siya nito.
Sinabi ‘yun ng writer kay Coco at inamin naman ng aktor na iniinis lang pala niya si Julia at nagpapapansin lang dito, pero nang malamang crush nga siya ng aktres, bumait na raw siya kay Julia, and the rest is history now.
Tawa nang tawang sabi tuloy ni Julia, “‘Yun pala yung secret, buti na lang pala.”
Sagot naman ni Coco, ang secret talaga ng 15 yrs. relationship nila ay ‘yung private lang ito at hindi masyadong open sa publiko.
Papuri pa ni Coco sa kanyang ‘wifey’ na si Julia, “In all aspects, talagang si Juls lahat ang nag-aasikaso sa akin, siya nag-aalaga sa akin mula pagkagising hanggang pagkauwi ko, sa lahat ng kakainin ko, sa lahat ng mga damit na isusuot ko, siya talaga lahat nag-aayos. Kaya masarap ‘yung partnership namin.”
Ang saya-saya, ‘di ba?
Kaya wait lang tayo, baka ‘yung next na nilang aaminin, eh, ‘yung matagal nang bali-balita na may 3 na nga silang anak.
Kapit lang, mga Ka-BULGAR!
SUNDAY na naman! Kung gusto n’yo ng controversial blind item, watch na ng aming Spill The B ni Ateng Julie Bonifacio, mapapanood sa BULGAR FB page tuwing 6 PM.
So, follow and subscribe at makihula na, guys!





















Comments