Tamad at mahilig din daw mag-party… “BALIW AKO” - ANDREA
- BULGAR
- Mar 25, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 25, 2023

Aminado si Andrea Brillantes na may dalawa siyang katauhan na magkaiba. Ang isa ay si Blythe (her real name) na hindi artista at ang isa naman ay ang nakikita nating aktres na si Andrea.
“Si Andrea, siya ‘yung perfectionist, as in. Ako kasi, taong masipag na tamad. Pagdating sa trabaho talaga, sobra ako. Pero kapag (nasa) bahay ako, ‘di mo na ‘ko makakausap kasi talagang para akong gulay,” ani Andrea sa YouTube video ng Star Magic.
“Para akong kamote sa kama. Hindi talaga ako gagalaw. Hindi rin ako maliligo, as in,” dagdag pa niya.
Sey pa niya, mas mature raw si Andrea kaysa kay Blythe. At ito raw ang dahilan kung bakit minsan ay boses-bata siya.
“Si Blythe, makulit, sobrang straightforward ko. Si Andrea, mas mature. Si Blythe, bata, as in bata. Kaya mayroon akong boses na baby, meron din akong boses na malaki,” lahad niya.
Paliwanag pa niya, hindi rin daw kasi siya nagkaroon ng childhood dahil sa sobrang aga niyang nagsimulang mag-artista. Kaya, parang nagkaroon daw siya ng double personality.
“Nagkaroon din ako ng double personality kasi mayroon akong Blythe, mayroon akong artista (as Andrea) side. Kasi, kapag inilabas ko ‘yung Blythe ko, maloloka, mawiwindang ‘yung mga tao, as in. Kasi, baliw ako, eh,” aniya.
Pahabol pa niya, “Baliw with a heart.”
Ang isa pa raw na pagkakaiba ng dalawa, mas free at happy-go-lucky si Blythe kaysa kay Andrea.
“Si Andrea ‘yung may Twitter, si Andrea ‘yung aalis, magtatrabaho. Si Blythe, magpa-party,” sey pa niya.
Si Blythe rin daw ‘yung nakikipag-date sa dyowang si Ricci Rivero.
Hirit pa ng aktres, “Mahirap akong intindihin. Ako nga, hindi ko naiintindihan self ko, eh.”




Comments