Takot na gawin din sa anak niyang si Julia…
- BULGAR

- Dec 14, 2020
- 1 min read
DENNIS, AYAW MAKITA SI GERALD DAHIL SA PANGGO-GHOSTING KAY BEA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 14, 2020

Hindi itinatago ni Dennis Padilla kung ano ang saloobin niya kay Gerald Anderson, ang rumored boyfriend ng anak na si Julia Barretto.
Sa isang panayam, natanong si Dennis kung na-meet na ba niya ang rumored boyfriend ni Julia.
Mabilis ang sagot ng aktor, ayaw daw niyang makita si Gerald sa anumang okasyon.
Esplika naman ng komedyante, ang dahilan kaya ayaw niyang makita si Gerald ay hindi niya gusto ang paraan ng pakikipaghiwalay nito sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo.
Bilang ama ni Julia, pinoprotektahan lang ni Dennis ang anak. Normal lang daw sa kanya na pangalagaan si Julia at ayaw niyang makitang nasasaktan ang anak pagdating ng araw.
Aniya pa, mabait na anak si Julia at ayaw niyang mag-suffer ito tulad ng sinapit ni Bea na na-ghosting.
Pero, sinabi rin ni Dennis na hindi pa niya alam ang real score sa relasyon nina Julia at Gerald.





Comments