Takot maagawan ni Derek… JOHN LLOYD, HATID-SUNDO NA ANG ANAK NILA NI ELLEN
ni Nitz Miralles - @Bida | April 16, 2021

Mapapayapa na siguro ang mga fans ni John Lloyd Cruz na nagre-react tuwing may videos o photos sina Derek Ramsay at Elias (anak nina John Lloyd at Ellen Adarna) na magkasama.
Ang feeling ng mga fans ni John Lloyd, inaagawan ni Derek ng papel ang una sa anak nito. Tinawag pa ngang “fake dad” si Derek dahil dito.
Heto ang pahayag ni Ellen sa isyung ito at sinabing “present father” si John Lloyd, “Yes, he does. Hatid-sundo na siya ng papa niya. Si John Lloyd, present father. He wants to be present.”
Dagdag pa ni Ellen, kailangan ni Elias ang ama as much as he needs his mother.
May mga na-curious sa sinabing ‘yun ni Ellen. Kung madalas sa bahay niya si John Lloyd dahil sinusundo si Elias, nagkita na raw ba kaya sina John Lloyd at Derek? Nakikita kasi sa video na kung madalas sina Ellen at Elias sa bahay ni Derek, madalas din si Derek sa bahay ni Ellen.
Hindi kami magugulat kung may netizens na magtanong kay Ellen at kahit kay Derek kung nag-abot na ang dalawang aktor sa bahay ni Ellen at kung ano ang naging eksena?





Comments