Taiwan, naghahanda na sa posibleng paglusob ng China
- BULGAR

- Jul 5, 2023
- 1 min read
ni Mabel Vieron | July 5, 2023

Mas pinatibay ng Taiwan ang kanilang military drill sa timog na bahagi ng kanilang karagatan.
Ayon kay Defense Ministry spokesperson Sun Li-fang, dahil umano ito sa patuloy na banta ng China. Lahat aniya ng kanilang isinagawa ay artillery combat na siyang magagamit nila sa labanan.
Ang Pingtung ay lugar na malapit sa Taiwan Strait na inaangkin na rin ng China.
Isasagawa sa mga susunod na linggo ang pinakamahalagang military drill na Han Kuang, kung saan masusubok ang kanilang mga depensa.
Aniya pa, sa mga susunod na drill ay isasama na ang mga fighter jets at ilang mga sasakyang pandigma ng Taiwan.





Comments