Tahimik na lang daw... SHALANI, NADYAHI SA MISTER, 'DI NA NAG-POST NG PAKIKIRAMAY SA PAGKAMATAY
- BULGAR
- Jun 28, 2021
- 2 min read
NI PNOY
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 28, 2021

Halos lahat ng mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan kay former President Noynoy Aquino ay nag-post ng kani-kanilang mensahe sa pagyao ng dating lider ng bansa.
Nauna nang nagparamdam sa social media sina Bernadette Sembrano, Korina Sanchez at Liz Uy. And recently, si former Miss Universe Pia Wurtzbach.
Pero bago pa man sila, nauna nang naugnay ang pangalan ni Barbara Milano sa dating pangulo.
Idinaan ni Barbara sa kanyang Facebook page ang pag-alala niya kay PNoy.
“RIP Noy, Former president. Maraming Salamat sayo, sa binigay mo noon tulong at respeto. Sinu ba naman ako noon? hindi naman tayo magka estado sa buhay?
“Sinu ba naman ako noon na napaka ordinary ko tao?
“Sinu ba naman ako noo? hindi naman ako mayaman?
“Ikaw ang tao nakilala ko na napaka low- profile mo talaga.
“Ikaw yung tao nakilala ko na napakasimple tao.
“Ikaw para ka hindi ka anak ng dati presidente.
“Ikaw na kapag aalis ka isa lang bodyguard mo na minsan ikaw pa driver.
“Ikaw na kahit dis oras ng gabi, magpadala ka ng pagkain sa tomas morato sa house ko,
“Ikaw yung inuumaga about politics ang usapan natin.
“Ikaw yung tao na iniisip ang mga constituents keysa sarili mo.
“Minsan sinita kita sa suot mo, diba suot mo nung isang araw yan? sabi mo favorite mo suotin polo lacoste na yun.napakasimple mo talaga! Maraming Salamat sayo,” buong caption ni Barbara sa ipinost niya na piktyur ni PNoy.
Almost complete na ang mga babaeng na-link kay PNoy sa pagbibigay ng tribute sa kanya.
Waiting naman ang mga netizens sa post ng dalawang huling girlfriends ni PNoy na sina Shalani Soledad at Grace Lee.
“What about Shalani Soledad?” tanong ng isang netizen.
“Maybe out of respect to her husband, she just sent her condolences privately. Classy move. 'Di naman kailangan publicly makiramay. Si Barbara, ok lang cause I think she is still single. Sayang, bakit kaya 'di sila nagkatuluyan ni PNoy, may nagmaldita siguro.”
Natumbok agad ng isa pang netizen kung sino ang tinutukoy na maldita nu’ng nag-comment.
“In fairness, hindi maldita si Kris kay Barbara. She said it on national TV she liked her. Guest pa si Barbara sa Kris Tv, this was a long time ago, so not well known.”
Ang dami talagang mema (may masabi) na netizens, ‘di ba?





Comments