Tagumpay ang hosting ng Letran sa NCAA '96
ni MC - @Sports | August 11, 2021
Sa gitna ng pandemya, ang pinakamatandang collegiate league sa bansa, ang NCAA ay nagpapasalamat at nairaos ang season games.
Ayon kay NCAA Management Committee (MANCOM) Chairman Fr. Vic Calvo ng host Letran, ang pagtatapos ng 96th Season sa kapistahan ng St. Dominic ay nagpakita ng pagkakaisa sa liga sa gitna ng laban ng bansa sa COVID-19. "Just like what St. Dominic said to St Francis when they met, 'You are my companion and must walk with me. For if we hold together no earthly power can withstand us'," ayon kay Calvo. "Even against the toughest odds, hope remains connected to our sporting spirit. We will hold on and we will rise up stronger," dagdag niya.
Natapos ang NCAA na isang extraordinary season noong Linggo sa mga torneo ng taekwondo at chess na idinaos online. Ang skills challenges sa volleyball at basketball, na kinatampukan ng dating student-athletes ng liga na idinaos sa ilalim ng mahigpit na health protocols. Ipinalabas ang mga laro sa GTV channel 11ng GMA Network, ang broadcast partner ng liga.
Dinomina ng St. Benilde ang Taekwondo sa women at men's speed kicking events, habang ang San Beda ang nanguna sa juniors. Namuno ang San Beda sa seniors’ poomsae, habang ang Emilio Aguinaldo ang namayani sa juniors competition.
Napagwagian ng Lyceum ang seniors' chess mula kay Neymark Digno, habang ang Letran ay bumida si FIDE Master Christian Mark Daluz sa juniors’ side.
"Thank you sa lahat ng mga coaches and players. Patuloy natin itong laban natin na ito. Pandemic lang ito, COVID lang ito," ayon kay Calvo sa bumubuo ng NCAA sa pagsuporta sa season 96 na iilan lang ang naidaos na laro.
Inilipat ng Letran mula kay rector at president Fr. Clarence Marquez, ang susunod na pag-host ng liga sa College of St. Benilde kay president Br. Edmundo Fernandez, FSC.





Comments