top of page
Search
  • BULGAR

Taeyong ng NCT, pumasok na sa military

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 15, 2024




Opisyal nang pumasok sa South Korean military si Taeyong ng K-Pop group na NCT nitong Lunes.


Sa Instagram, ibinahagi ng leader ng NCT ang mga larawan niya na naka-buzz-cut hairstyle, kasama ang kanyang co-members na nakahandang ihatid siya sa military.


“I'll be back safely! Be healthy! Let's go! Our day !!!! I love you,” saad ni Taeyong sa Korean, na isinalin sa English ng Instagram.


Si Taeyong ang unang miyembro ng NCT na pumasok sa South Korean military. Inaasahan naman ang kanyang paglabas sa Disyembre 2025.


Nag-debut si Taeyong sa NCT noong 2016, pati na rin sa sub-unit nito na NCT U at NCT 127 sa parehong taon. Kasama ng kanyang mga co-members, nagtanghal sila sa Philippine Sports Stadium noong Enero para sa Philippine stop ng kanilang "Unity" tour.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page