top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 4, 2025



Photo: Hyun Bin - IG


Nagkakagulo ang mga fans ng South Korean superstar na si Hyun Bin sa announcement ng Solaire na darating sa bansa ang aktor sa August 8, 2025 for an exclusive fan meet and greet.


Pahayag ng management, “A titan of Korean entertainment and a global superstar, Hyun Bin has captivated hearts worldwide with his unforgettable roles in blockbuster hits like Crash Landing on You, Secret Garden and My Lovely Sam Soon. Known for his charismatic presence, versatile acting, and undeniable charm, his visit to Manila is a truly momentous occasion for fans and admirers alike. Get ready to witness a legend, right here at Solaire.”


Kaya lang, bago makakuha ng raffle entry para sa tiket, kailangang may worth P2,000 single receipt sa bars and restaurants ng Solaire. Kailangan ding mai-submit ang entry from July 1 to 31 at sa July 31 din ang draw ng winners.


Nagkakagulo dahil bakit kailangan pa raw ng raffle? Sana raw ay mabili na lang ang tiket para sigurado sila na makikita si Hyun Bin. 


Sa dami kasi ng sasali sa raffle, maliit ang chance na sila ay manalo. 

Nakakatuwa ang reaction ng mga netizens gaya ng comment na magsisimula na silang kumain sa Solaire at tatambay sila rito.



FAVORITE ni Marian Rivera ngayon ang design and creation ng Hacchic Couture based in Vietnam. Sa mga dinadaluhan niyang events, from awards night, anniversary ng GMA Network at sa wedding anniversary nila ni Dingdong Dantes, gawa ng Hacchic Couture ang suot ng aktres.


Nasa Instagram (IG) account na nga ito ng Hacchic Couture at posibleng sa awards night ng The Eddys na nominated siyang Best Actress, gawa pa rin ng favorite niyang fashion house ang suot niya.


Ang ganda ng caption ng fashion house sa post nila para kay Marian, “Marian Rivera, the most celebrated beauty icon of the Philippines, once again chose Hacchic Group for a remarkable milestone – the Best Actress award for Balota.


“Our heartfelt gratitude to Marian Rivera for continuously entrusting us with her most significant occasions. It is an honor and a privilege to be part of her remarkable moments.”


Anyway, maganda rin ang acceptance speech ni Marian nang manalo ng Best Actress sa Guillermo Box Office Awards, lalo na ang sinabi nitong, “Here’s to many more stories to tell!”



MAGPI-PREMIERE sa July 11, 5 PM, sa House of D YouTube (YT) Channel ang House of D (HOD), ang show ni Dina Bonnevie at mga anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto. Kasama rin ang husband ni Danica na si Mark Pingris at ang wife ni Oyo na si Kristine Hermosa.


Excited ang mga fans ni Dina na muli siyang mapanood sa YT, pati ang mga fans ni Kristine and of course, fans ng magkapatid na Oyo at Danica. Gustong malaman ng mga netizens ang nangyayari sa mga nabanggit na sa socmed (social media) na lang nila natse-check.


Sabi sa teaser, “Family... where life begins, and love never ends.


“Welcome to the HOUSE of D! Here, you’ll discover that everything good begins with family. The warmth of love, the sound of laughter, and the wisdom of shared lessons.

“Get ready for stories to unfold, bonds that grow stronger, and a place where love is always at home.”


Nakasulat ang The Good Life Media Group Inc. na parang producer ng show na baka pagmamay-ari ni Dina o family corporation. 


Hindi pa nga nagpi-premiere, may mga requests na sana ilagay sa Netflix ang HOD at i-guest ang mga anak nina Danica at Mark at Oyo at Kristine bilang pandagdag-saya raw.

Sa nagtanong kung reality show ba ang HOD, sagot ni Dina, “Hindi po, talk show po ito kung saan ibabahagi po namin ang mga karanasan namin sa buhay na maaaring makaka-relate kayo or kapupulutan ninyo ng aral. Minsan masaya at minsan malungkot pero laging punumpuno ng pagmamahal.”


Dagdag pa ni Dina, the show is for the whole family at excited na rin siya na malapit na ang airing nito. 


Nakakatuwang malaman na marami pang fans ang aktres at waiting na sila na regular siyang mapapanood sa kanilang talk show.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Jan. 13, 2025



Photo: Sandara park - Instagram


Balik-‘Pinas ang K-Pop idol na si Sandara Park para maging main host sa collab project ng TV5 at MLD Entertainment PH, ang K-pop survival show na Be the NEXT: 9 Dreamers (BTN9D).


Humarap nga ang South Korean actress-singer na member ng 2NE1 sa naganap na media launch kasama ng bonggang line-up of mentors na kinabibilangan nina Park Woojin ng AB6IX, Bang Ye-dam, Vinci ng HORI7ON, Hyebin (dating MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee, at acclaimed producer na si Bullseye. 


Alam naman natin na at home na at home pa rin si Dara sa Pilipinas at hindi siya nakakalimutan bilang produkto ng Star Circle Quest (SCQ) ng ABS-CBN, kung saan ibinoto siya ng mga Pinoy.


Aminado si Dara na big challenge sa kanya na mag-host ng survival show, lalo pa na busy siya sa pagtu-tour kasama ang girl group.


“Actually, I’m really excited and nervous at the same time,” sey niya.


“It’s a new challenge for me, because I find a lot on stage, acting, being on musical shows but being a main host, it is my first time and I’m very excited to witness another K-pop superstar.


“I don’t know what I’m gonna do. Alam n’yo naman na krung-krung ako. But I will do the hosting, will go to the studio and I have to come back to Manila twice a month for this.”

Dagdag pa niya, “So, I’m really busy, no more friends, no alcohol, no rest, no vacation.


“I’m just focusing on my work, but I work out if I have time and to get a massage. Because it is really important to stay healthy, so I can do all these work, the best I can do.”


Opisyal na nga ang pagsisimula ng countdown sa premiere ng inaabangang K-pop show sa ika-8 ng Pebrero.


Pinagsama-sama sa show ang 75 aspirants mula sa global auditions na ginanap noong 2024. Bawat isa ay mag-aagawan para makapasok sa isang bagong 9-member boy group.  


Ang mga ‘dreamers' ay dadaan sa isang matinding paglalakbay, na ginagabayan ng kagalang-galang na panel of mentors at mga hurado upang makamit ang kanilang mga pangarap na maging mga idolo sa buong mundo.


Isa sa mga pangunahing highlight ng event ay ang Parade of Trainees, kung saan ang 75 contestants ay ini-reveal sa media sa unang pagkakataon.  


Ang bawat indibidwal ay may kakaibang talento at kuwentong sasabihin habang sila ay naglalaban-laban para sa isang puwesto sa huling 9 na miyembro ng grupo.

Hindi pa nga lang puwedeng ilabas ang kanilang mga mukha habang hindi pa ito naipapakilala sa show.


Saksihan ang pagsibol ng newest global pop idol sa BTN9D na mapapanood tuwing Sabado, 7:15 PM, at Linggo, 8:15 PM, at may weekday catch-ups tuwing 11:30 PM.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | Oct. 8, 2024



News Photo

Dumalo si Jennie ng Blackpink sa “Welcome Back” concert ng 2NE1 sa Seoul. Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa concert sa Olympic Park, Olympic Hall, kabilang ang isang litrato ng kanyang OOTD suot ang baseball cap na may logo ng 2NE1 at hawak ang opisyal na light stick ng grupo.


“Funday Sunday,” saad ni Jennie. Star-studded ang 2NE1 show, dahil present dito ang mga celebrities tulad ni Jennie at mga YG Entertainment artists, kabilang ang BIGBANG, Winner, iKON, at BabyMonster.



Ang “Welcome Back” ay ang unang world tour ng 2NE1 matapos silang ma-disband noong 2016. Inanunsiyo ng YG Entertainment ang kanilang comeback noong Hulyo, kung saan nagbahagi si Dara ng teaser para sa concert.


Nagsimula ang tour sa Seoul, South Korea nitong Oktubre, na magkakaroon ng mga stop sa Osaka, Manila, at Jakarta sa Nobyembre, at magpapatuloy sa Tokyo sa Disyembre at hanggang 2025.


Nakatakda naman ang stop sa Manila sa Nobyembre 16, 2024, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Bagama't na-disband ang grupo noong 2016 at umalis sa YG Entertainment, matatandaang nagkaroon ang 2NE1 ng ilang mini-reunions nu'ng mga nakaraang taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page