top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 17, 2025



FRANKLY - ANNE AT SONG HYE-KYO, NAG-DINNER_IG _annecurtissmith

Photo: IG _annecurtissmith



Winner ang post ni Anne Curtis sa kanyang Instagram (IG) account kung saan ay kasama niya ang isa sa pinakasikat na South Korean actresses na si Song Hye-kyo (SHK).


Sa larawang ini-upload ng aktres ay makikitang nasa isang restaurant sila ni SHK.

“A lil (little) catch up with this beauty (loved emoji). 감사합니다 @kyo1122 for the most amazing Korean dinner (heart hand emoji) so neomu masisseo! 곧 봐요,” ang caption ni Anne.


Sa comment section ay mababasa ang reaksiyon ni Song Hye Kyo na heart emojis.

Kani-kanya namang reaksiyon ang mga netizens sa kanilang pagkatuwa na makitang magkasama ang dalawang ‘dyosa’ at karamihan ay napa-‘Oh, my God’ pa.


“OMG!!!!! I’M SO KILIG! (loved emoji),” komento ng isang netizen.

“OMG.. goosebumps! My 2 faves,” saad naman ng isang fan.

“Ohhh myyy gawwwwd! QUEEN x QUEEN,” reaksiyon naman ng isa pa.


Sa mga hindi nakakaalam, si Song Hye Kyo ay isa sa A-list actresses sa South Korea at kilalang-kilala rin siya ng Korean drama fans sa ‘Pinas.


Napanood siya sa mga hit K-dramas na Full House, Descendants of the Sun, Encounter, The Glory, at marami pang iba.



Ang bongga ng dinaluhan naming graduation and alumni get-together ng luxury authentication workshop ng LuxeTrust by Amethyst na ginanap sa Sheraton Manila Hotel last Friday.


First time nga naming nalaman na may ganito na pala tayong klase ng workshop na in-introduce sa Pilipinas ng CEO na si Junel Rufino-Harding.


Mahigit 30 students ang nakapagtapos ng 3-day workshop kung saan itinuturo niya kung paano malalaman ang fake at genuine na luxury bags, watches, o diamonds.

Namataan namin sa nasabing event ang isa sa mga guests na si Raymond Gutierrez kasama ang inang si Annabelle Rama, na as we all know ay napakahilig din sa diamonds, luxury bags, at watches.


Interesado nga si Raymond na mag-enroll sa next workshop na magaganap sa March 2026 para may authenticator na ang kanilang pamilya kapag bibili sila ng mamahaling relo at bags, lalo na nga si mommy niya at ateng si Ruffa Gutierrez.


Naroroon din ang Kapuso comedienne na si Lovely Abella bilang isa sa alumni dahil isa rin siyang negosyante at online seller ng mga alahas. 


Nag-enroll daw siya sa nasabing workshop para madali niyang ma-distinguish ang genuine sa fake diamonds.


Ang mga naka-graduate sa workshop ay magkakaroon ng certificate na napakalaking bagay para sa mga sellers dahil proof din ito na legit talaga ang kanilang mga itinitindang items.


Ayon kay Junel, nagkaroon siya ng idea na magsagawa sa ‘Pinas ng ganitong klaseng training dahil naglipana nga sa atin ang mga fake or counterfeit designer bags at watches at kahit nga siya noon ay naging biktima na dahil hindi pa niya alam that time kung paano mag-detect ng fake at genuine.


Last year lang daw nagsimula ang kanilang workshops at 6 batches na ang nakakapagtapos so far.


“‘Yung mga nag-e-enroll po rito, they are luxury sellers, collectors, watch collectors, marami po rito ay mga owners ng pawnshops, nagla-live selling, at marami rin na for personal use lang nila na mahihilig talaga. Marami rin po rito na naka-experience na niloko na sila ng mga sellers,” saad ni Junel na nakabase sa Singapore.


Sa PGO Academy in Malaysia raw siya nag-attend ng authentication workshop noon dahil that time ay gusto niyang magnegosyo ng pawnshop.


Hanggang sa naisip na nga raw niyang magtayo ng ganitong klaseng training sa ‘Pinas dahil wala pa nga raw nito sa ating bansa, with the help of her partner, PGO Academy, na isang leading institute sa Malaysia for luxury appraisal training of precious metals, diamonds, watches, and luxury bags.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | Oct. 8, 2024



News Photo

Dumalo si Jennie ng Blackpink sa “Welcome Back” concert ng 2NE1 sa Seoul. Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa concert sa Olympic Park, Olympic Hall, kabilang ang isang litrato ng kanyang OOTD suot ang baseball cap na may logo ng 2NE1 at hawak ang opisyal na light stick ng grupo.


“Funday Sunday,” saad ni Jennie. Star-studded ang 2NE1 show, dahil present dito ang mga celebrities tulad ni Jennie at mga YG Entertainment artists, kabilang ang BIGBANG, Winner, iKON, at BabyMonster.



Ang “Welcome Back” ay ang unang world tour ng 2NE1 matapos silang ma-disband noong 2016. Inanunsiyo ng YG Entertainment ang kanilang comeback noong Hulyo, kung saan nagbahagi si Dara ng teaser para sa concert.


Nagsimula ang tour sa Seoul, South Korea nitong Oktubre, na magkakaroon ng mga stop sa Osaka, Manila, at Jakarta sa Nobyembre, at magpapatuloy sa Tokyo sa Disyembre at hanggang 2025.


Nakatakda naman ang stop sa Manila sa Nobyembre 16, 2024, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Bagama't na-disband ang grupo noong 2016 at umalis sa YG Entertainment, matatandaang nagkaroon ang 2NE1 ng ilang mini-reunions nu'ng mga nakaraang taon.

 
 

ni Angela Fernando @K-Buzz | Oct. 1, 2024



News Photo

Inilabas na ng BLACKPINK member na si Jennie Kim ang 16 seconds teaser para sa kanyang bagong awiting "Mantra" na ilalabas ngayong Oktubre. Kinumpirma rin niya sa Instagram post na ilalabas niya ang bagong single sa darating na Oktubre 11.


Matatandaang nauna nang ipinost ng Korean idol ang isang video teaser kung saan tampok ang anim na mantras para sa magagandang kababaihan.


Naiulat na rin kamakailan na maglalabas si Jennie ng bagong awitin sa ilalim ng bagong partnership sa Columbia Records. Ang "Mantra" ay kasunod ng special single ni Jennie na "You & Me," na inilabas niya nu'ng Oktubre, 2023.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page