top of page

Taas-pasahe sa jeep at bus, aprub na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 16, 2026



Online seller BIR

Photo: LTFRB



Aasahan na ang dagdag-singil sa pamasahe sa jeep at bus, simula bukas.

Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang tugon sa hirit na fare hike ng iba't ibang transport groups dahil na rin sa epekto ng mataas na presyo ng langis.


Ayon kay LTFRB Chairman Assistant Secretary Vigor Mendoza, tapos na ang masusing pag-aaral at isinasapinal na lamang nila kung magkano ang dapat na idagdag sa kasalukuyang pamasahe sa jeep at bus.


Pero sinabi ni Mendoza na hindi kasama sa iaanunsiyo sa Martes ang mga taxi at UV Express dahil kailangan lang isalang sa mga pagdinig at nationwide consultation kung magkano ang dapat na itaas sa pamasahe.


Samantala, nagtaas na ng singil sa pamasahe ang ilang provincial bus na bumibiyahe patungo sa Metro Manila kahit wala pang inilalabas na direktiba ang LTFRB.


Ang German Espiritu Liner ay nagtaas na ng singil, mula sa dating P85 na biyaheng Bulakan, Bulacan hanggang Divisoria ay naging P99 na gayundin ang iba pang pampasaherong bus patungong norte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page