top of page

Taas-pasahe, kasado na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | March 12, 2026



Electricity

Photo: File: LTFRB



Wala pang desisyon sa hirit ng public transport groups na magtaas ng pasahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nagaganap na tensiyon sa Middle East.


Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, kailangang pag-aralang mabuti ang hirit na dagdag-pasahe sa jeep.


Kailangan aniyang maisaalang-alang ang epekto ng pagtaas ng mga bilihin at mabalanse ito sa kasalukuyang sitwasyon kaya inatasan nito si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Vigor Mendoza na pag-aralan ulit ang umiiral na provisional fare.


"Sinabi ko kay Chairman Vigor aralin mo ulit, you have to re-crunch the number, especially on what is going on right now," ani Lopez.


Sa hiwalay na panayam sa kalihim, sinabi nitong mayroong nakabinbin na petisyon para sa dagdag-pasahe at nagsumite na rin ng rekomendasyon ang LTFRB pero ibinalik nito para pag-aralan mabuti para sa pinal na numero kung magkano ang idadagdag sa pasahe.


Matatapos aniya sa loob ng linggong ito ang desisyon ng LTFRB.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page