Taas ng pride ni Malacañang spokesperson Claire Castro, ayaw mag-public apology sa mga guro
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 22, 2026

MAHIRAP NANG PANIWALAAN KUNG NAGSASABI SILA NG TOTOO O HINDI, KASI PERA-PERA PALA ANG LAKAD NI GUTEZA AT 4 PANG FORMER SEKYU NI ZALDY CO – Sabi ni retired Marine Sgt. Orly Guteza at ng apat pang dating bodyguards ni former
Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, pinangakuan daw sila ng malaking halaga ng pera nina Sen. Rodante Marcoleta, former Cong. Mike Defensor at Atty. Levi Baligod para siraan si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa isyu ng male-maletang perang kanilang idinideliber sa kanya.
Ngunit dahil hindi raw ibinigay ang ipinangakong pera, binabawi na nila ngayon ang kanilang testimonya laban sa dating speaker.
Kaya't ang tanong, may ipinangako rin kayang pera sa kanila si Cong. Romualdez kaya nililinis na nila ngayon ang pangalan ng dating speaker?
Sa totoo lang, ang hirap paniwalaan kung totoo o hindi ang sinasabi ni Guteza at ng apat pang dating security escorts ni Zaldy Co. Kasi nga, mismong sila na ang nagsabi, “pera-pera” ang lakad nila. Boom!
XXX
TAAS NAMAN NG PRIDE NI MALACAÑANG SPOKESPERSON CLAIRE CASTRO KASI HANGGANG NGAYON, AYAW PANG MAG-SORRY SA MGA GURO – Ubod pala ng taas ng pride ng Malacañang spokesperson na si Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro.
Public apology lang naman ang hiling ng mga guro kaugnay sa sinabi ni Usec. Claire na kesyo minsan daw ay mga guro ang nagtuturo sa mga estudyante para mawalan ng modo sa kapwa, lalo na sa matatanda. Pero hanggang ngayon, ayaw pa ring mag-sorry ng Malacañang spokesperson sa mga titser ng bayan. Tsk!
XXX
SA HALIP NA TUPARIN ANG PROMISE NA P20 PER KILONG BIGAS, LALO PANG TUMAAS ANG PRESYO NITO SA MERKADO – Tumaas ng P2 hanggang P3 ang presyo kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa bansa. Ayon sa mga rice trader, idinadahilan nila sa taas-presyong ito ang halos isang linggong pananalasa ng Habagat sa bansa.
Hay naku, malapit nang matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) nang hindi naisakatuparan ang pangako niyang P20 kada kilo ng bigas. Tapos, ang mababalita pa ay ang pagtaas ng presyo nito sa merkado. Buset!
XXX
MGA TAGA-CUSTOMS NA KASABWAT NG MGA SINDIKATO NG DROGA, DAPAT HUBARAN NG MASKARA – Sa patuloy na pagpasok ng illegal drugs sa bansa, dapat magsagawa na uli ng imbestigasyon ang Senado at Kamara hinggil dito. Dapat nilang imbestigahan kung may mga tiwaling Customs officials na kasabwat ng mga sindikato ng droga, kung kaya’t malaya nilang naipupuslit sa Pilipinas ang sangkaterbang shabu.
Eh, sa totoo lang naman, hindi maipapasok ng mga drug syndicate ang sangkaterbang shabu sa ‘Pinas kung wala silang mga kasabwat na “buwayang” Customs officials. Kaya dapat nang mahubaran ng maskara ang mga tiwali sa Adwana. Period!





I found the article interesting for its discussion of public apologies and accountability in government. After reading pieces like this, I often play Subway Surfers which is a fun game to unwind with.