SYLVIA, JOIN SA HONEYMOON ABROAD NINA ARJO AT MAINE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 19, 2023

Super happy si Sylvia Sanchez bilang mother-in-law ni Maine Mendoza. Proud na sinabi ng premyadong aktres sa kanyang Instagram page kung gaano niya kasundo ang misis ng anak niyang si Arjo Atayde.
Nagbahagi si Ibyang ng mga photos and videos nina Arjo at Maine sa bakasyon nila sa ibang bansa.
Makikita sa mga videos at larawan ang sweetness at lambingan ng mag-asawa. Ayon kay Ibyang ay siya ang naging photographer and videographer ng dalawa.
“This is a first for me. It feels so great to be a mother-in-law lalo na 'pag kasundo mo ang daughter-in-law mo,” wika ni Ibyang.
“What a blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm,” mensahe pa niya sa manugang.
“Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin, uwian kami ng mabubuting asawa,” sey pa ng aktres.
Mensahe niya ulit sa manugang, “Maine 'nak, I love watching you & Arjo happy and I am behind you two 100%.”
“Ako taga-picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments. At gaya ng sabi ko sa 'yo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak n'yo ni Arjo,” bilin pa ni Ibyang kay Maine.
“Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya. Soon.
“Yahoooo!!!!!! (heart emojis) Loving you both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness. Love you my kiddos,” pahayag pa ni Ibyang na mababakas naman talaga sa kanyang panulat ang kasiyahan.





Comments