top of page

Swak ang tandem… VICE AT MICHAEL V., OKS MAGSAMA SA MOVIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 2, 2026



TEKA NGA - KASALANG BEA-VINCENT, ‘DI NA RAW MAY 16, MAY 14 NA-FB Dimples Romana & FB Circulating

Photo: Vice Ganda / Michael V / It's Showtime / File



Swak din pala na magsama sina Vice Ganda at Michael V. sa comedy skit ng Bubble Gang (BG). Marami ang naaliw sa kanilang mga eksena kung saan ang character ni Mr. Assimo na muling binuhay ni Michael V. ay nakatarayan ni Vice Ganda sa isang flower shop, kung saan kaeksena rin nila si Chariz Solomon.


Pasado ang tandem nina Vice Ganda at Bitoy, kaya marami ang nagsa-suggest na ituloy na nila ang pagsasama sa pelikula. 


Magkaiba ang atake nila sa comedy at may kani-kanya silang mga fans na patuloy silang tinatangkilik.


Ikinatuwa ng mga viewers ang pagge-guest ni Vice Ganda at ang kanilang tambalan.

Si Michael V. ang creative director ng BG at lagi siyang may fresh ideas na nagagamit sa mga skits ng sitcom. 


Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Michael V. at sa comedy siya luminya. Ilang awards na ang kanyang natanggap at itinanghal na siyang Best Comedy Actor.

Ang Bubble Gang ay nagkamit na rin ng ilang awards at pinarangalan na longest-running gag show. Mataas din ang ratings ng sitcom na Pepito Manaloto (PM).





MARAMING Vilmanians ang dismayado kay Cong. Leandro Leviste dahil sa mga banat niya kay Batangas Gov. Vilma Santos na may kinalaman sa 84 barangays na hindi umano nabigyan ng ayuda. 


Ayon sa akusasyon ni Cong. Leviste, nagtampo raw si Gov. Vi sa mga kapitan ng 84 barangay dahil natalo ang kanyang anak na si Luis Manzano sa pagka-bise-gobernador ng Batangas. 

Walang basehan ang ganitong akusasyon kay Gov. Vilma. Nakukulayan lang ng pulitika ang lahat ng kanyang ginagawa.


Sa tagal ng record ni Vilma bilang pulitiko, walang ganitong reklamo sa kanya na meron siyang favoritism.


Kahit inuulan ng banat ngayon ang aktres-pulitiko ng mga bashers na hindi naman taga-Batangas mismo, hindi nagpapaapekto si Gov. Vilma Santos sa mga paninirang ibinabato sa kanya ng mga detractors. Alam ng kanyang mga kababayan na maganda ang kanyang intensiyon at ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang public servant. 


Ang mahalaga kay Gov. Vilma Santos-Recto ay buo pa rin ang tiwala sa kanya ng mga Batangueños.


Sa kabilang banda, dati ay maraming Batangueños ang humahanga kay Cong. Leandro Leviste dahil sa ginagawa niyang pagtulong at pagmamalasakit sa mga mahihirap na nag-aaral sa Batangas. Pero nagbago raw ang lahat ngayong congressman na ito, kaya dismayado ang mga Batangueño sa kanya. Kinain na rin daw ito ng maruming sistema ng pulitika.


Totoo ba ang bulung-bulungan na tatakbo itong governor ng Batangas kaya nagpapapogi habang ibinabagsak naman si Gov. Vilma?





MARAMI ang nagtatanong kung ano’ng pagbabago ang gagawin ni Willie Revillame sa pagbabalik ng dati niyang game show na Wowowin. Anu-anong segments ang kanyang ilalagay sa show? Babaha kayang muli ng jackets at cash prize sa mga contestants at studio audience?


Ibabalik ba niya ang mga sexy dancers ng Wowowin at ang mga dati niyang hosts?

May ilang nagsa-suggest na sana ay kunin niyang muli sina Herlene Budol a.k.a. ‘Hipon Girl’ at ang komedyanteng si Donita Nose. Matagal na naging bahagi noon ng Wowowin sina Herlene at Donita Nose, kaya pamilyar ang mga viewers sa kanila.


Kapag bumalik ang Wowowin sa GMA Network, tiyak na buhay na naman ang maliliit na negosyo sa paligid ng GMA-7. Maraming kumikita sa pagtitinda ng t-shirts, merienda at iba pang souvenirs. 


Na-miss din ni Willie ang studio audience na nakasuot ng makukulay na t-shirts at magkakagrupo base sa kanilang kulay.


Tiyak na marami na namang kuwento ng buhay ang mapapanood ng mga viewers kapag nagbalik na sa ere ang Wowowin


Ano kaya ang magiging strategy ni Willie Revillame kung sakali? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page