top of page
Search
  • BULGAR

Surfer, nilapa ng pating, patay

ni Lolet Abania | September 5, 2021



Isang surfer ang nasawi matapos na atakihin ng pating sa isang surfing beach sa bahagi ng east coast sa Australia ngayong Linggo, ayon sa paramedics.


Naganap ang insidente sa Emerald Beach na nasa 550 kilometro o 342 miles ang layo sa hilagang bahagi ng Sydney.


“Despite the best efforts of bystanders, paramedics and other emergency services the patient sadly died at the scene,” pahayag ng New South Wales Ambulance sa kanilang Twitter account.


Ayon sa mga opisyal ng Coffs Harbour Lifeguards, ang nasabing beach na tinatayang may 20 kilometro o 12 miles sa hilaga ng Coffs Harbour ay agad na isinara matapos ang insidente.


Sa report ng media, pinaniniwalaang ang surfer na nasa late 20s na ay agad na sinagpang ng pating sa kanyang braso.


Batay sa International Shark Attack File ng University of Florida, ang Australia ay nag-iisa lamang sa mga lugar sa United States na nanguna sa pagkakaroon ng mga tinatawag na ‘unprovoked shark’ na madalas makasagupa ng mga tao mula pa noong 2019.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page