top of page
Search
  • BULGAR

Sure na raw na pakakasalan ang BF… KATHRYN: 'DI KO MA-IMAGINE ANG FUTURE KO NA WALA SI DANIEL

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 15, 2021




Kaugnay ng kanilang mga larawang naka-post sa social media kung saa'y nagpapalipas ng saya sa isang beach ang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at makikitang idinispley ng aktres ang kanyang katawan sa pagsusuot ng beach wear, espekulasyon ng iba, may 'malalim' nang namamagitan sa box office tandem.


Sa virtual presscon ng The House Arrest of Us, ang pinagbibidahan nilang romantic-comedy digital series na ipinapalabas sa iWant at KTX.ph, naitanong kay Daniel kung pabor ba siyang mag-live-in sila ni Kathryn.


Bagama't nagulat sa tanong, ayon kay Daniel, "Whoa! Hahaha! Hindi pa siguro. Hindi pa kami handang magsama sa isang bahay."


Paliwanag ni DJ, may mga nakababata pa silang kapatid ni Kathryn na tumitingala sa kanila kaya hindi magandang makita na nagsasama sila sa iisang bubong nang hindi kasal.


"Papakasal muna kami," hirit pa ni DJ na tiyak na ikinatuwa ng mga fans nila.


Pero kahit hindi sila mag-live-in, kahit paano ay may idea raw sina Kathryn at Daniel kung paano sila kumilos sa loob ng bahay, base na rin sa pagsasama nila sa locked-in taping ng The House Arrest of Us.


"Parang ganu'n, bahay-bahayan. Makikita mo kung paano makisama rin sa iba. Kasi may kasama rin kaming iba sa parang villa," saad ni Kathryn.


Kasama raw nila sa kanilang accommodations ang co-stars na sina Hyubs Azarcon at Alora Sasam.


Pahayag naman ni Kathryn, "So, parang, yeah, makikita mo kung maayos ba itong tao na ito sa gamit niya, gaano siya katagal mag-prepare. Mao-observe mo 'yung maliliit na bagay 'pag nasa isang villa kayo nang ilang linggo.


"May mga ganu'n na 'pag tiningnan mo, 'Oh, my gosh, ganito pala siya.'"


Ayon pa kay Kathryn, siguradong pareho sila ni Daniel na gustong malinis palagi ang kanilang bahay in the future.


"Gusto lang namin pareho 'yung malinis. Kasi naaapektuhan kung paano kami mag-isip or paano mood namin kung magulo,, kapag sa table, maraming kalat, or sa CR...


"Hindi siya kaartehan, eh. Ganu'n lang kami na tao. Gusto namin maging clear para maging clear mindset namin."


Bukas sina Daniel at Kathryn sa pagsasabing mas lumalim ang pagmamahal nila sa isa't isa sa loob ng halos siyam na taong sila ay magkarelasyon.


Kung tatanungin si Daniel, sigurado raw siyang si Kathryn ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay, at ganu'n din naman si Kathryn.


"If you ask me if he's the one, I think, yes, he's the one. Hindi ko ma-imagine ang future ko na wala si DJ," ani Kathryn na ang tinutukoy na DJ ay si Daniel.


Pero hindi raw sila nagmamadali pagdating sa paglagay sa tahimik.


Pareho raw silang naniniwalang ang marriage ay "lifetime commitment" na hindi basta-basta na lang pinagdedesisyunan.


Sabi pa ni Daniel, "Pero para sa akin, kapag ikinasal kami sa tamang panahon, ibig sabihin, handa na akong ibigay sa kanya habambuhay lahat."


Anila pa, ayaw nilang biglain ang kani-kanilang mga magulang na magpapakasal na sila.

"Kasi ayaw naming masira 'yung relationship. Kailangang pareho kaming ready and 'yung pamilya namin, ready."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page