Super Tekla, napagkamalang shoplifter, pinakapkapan
Updated: Oct 20, 2021
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 19, 2021

Napahiya nang husto ang comedian-TV host na si Super Tekla nang akusahan siyang shoplifter sa isang convenience store.
Pinakapkapan daw ng sales clerk ng convenience store si Tekla. Ipinakita pa ni Tekla ang resibo ng kanyang mga pinamili at walang nakitang items na hindi bayad nang siya ay kapkapan.
Nang ibaba na raw ni Tekla ang kanyang face mask, doon na siya nakilala ng sales clerk at todo-hingi na sa kanya ng sorry.
Well, mabuti na lang at mabait ang komedyante at naawa sa sales clerk na nagbintang sa kanya. Hindi na nagreklamo si Super Tekla sa manager ng nasabing convenience store. Tiyak kasing mawawalan ng trabaho ang sales clerk kung hindi pinatawad ni Super Tekla.
Kaya ang payo namin sa mga sales ladies/sales clerks ng malls at convenience stores, huwag maging judgemental. Huwag agad-agad huhusgahan ang panlabas na hitsura ng isang tao.
Kahit naman hindi artistahin ang hitsura ni Super Tekla ay may integridad siya at hindi niya sisirain ang kanyang pangalan para lang mag-shoplift ng mumurahing items.
Maging maingat na dapat ang mga sales clerks bago magbintang.





Comments