Super-sakit daw ng tiyan… CLAUDINE, 'DI INASIKASO SA EMERGENCY ROOM, TUMALAK SA IG LIVE
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 17, 2021

Nag-Instagram Live si Claudine Barretto para i-express ang kanyang frustration sa isang government hospital sa Quezon City.
Reklamo niya, naghintay siya nang ilang oras sa emergency room gayung sobrang sakit na raw ng kanyang tiyan. Wala raw lumalapit at nag-a-assist sa kanya kahit pa magda-dalawang oras na siya sa ER.
"Talagang parang sasabog na ang dibdib ko," aniya sa kanyang IG Live.
Nakaupo sa wheelchair ang aktres habang nasa emergency room at ibini-video ang kanyang kondisyon.
Ayon pa kay Claudine, she has a sharp shooting pain on her stomach at nararamdaman niya na ang buong katawan niya ay matindi ang pananakit.
Ginawa raw niyang mag-IG Live dahil hindi niya alam ang gagawin sa hospital.
Heto ang kabuuang video ng aktres, "Hello, my palanggas and Claudinians. I just had to share this with you kasi talagang parang sasabog na ang dibdib ko.
"I've been waiting for more than an hour. For almost two hours. Kaya nga emergency kasi dapat mabilis, 'di ba? Because I'm feeling so much pain. May sharp shooting pain ako sa stomach ngayon. And my whole body is aching. So they made me wait. And then ang tagal nu'ng doctor na um-attend sa akin."
Pinangalanan ni Claudine ang naturang ospital sa kanyang IG Live pero nagdesisyon kaming hindi na i-publish ang name nito para hindi mahusgahan agad ng mga Marites at netizens.
Pero sana ay makapagpaliwanag din ang ospital kung bakit hindi agad inasikaso ang emergency case na inilapit ni Claudine Barretto.
Tanong lang din namin, hindi kaya nakilala agad si Claudine sa nasabing ospital kaya hindi siya inasikaso?
Anyway, tatakbong konsehal si Claudine sa Subic under the Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party at baka makatulong sa kanya ang naging karanasang ito para makagawa ng batas — kung papalarin siyang maging konsehal — para sa healthcare services ng mga kababayan niya.





Comments