Super-mahal pa raw… OGIE, KINUMPIRMA NA 'DI MASARAP ANG LITSON NI MARVIN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 29, 2021

Follow-up lang po sa naisulat namin kahapon tungkol sa kontrobersiyal na cochinillo ni Marvin Agustin.
Mukhang si Ogie Diaz ang personalidad na nagbigay ng pagpuna patungkol sa cochi ng aktor. Sa ipinadala raw kasing mensahe ng batikang manunulat sa KAMI.com.ph, ipinaliwanag ni Ogie ang naging karanasan niya nang matikman ang biglang sikat na 'cochinillo' ni Marvin.
Nag-post umano si Ogie na naghahanap siya ng masarap na cochinillo.
May nagkomento at nag-suggest naman daw sa kanya na subukan ang cochinillo ni Marvin.
Sey ng manager ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil), "Nagsimula lang sa post ko na looking ako for masarap na cochinillo. Tapos may nag-suggest na kay Marvin. Tapos nag-comment na kami ni Darryl Yap."
"Naka-attend lang ako ng party ng isang friend na super disappointed sa cochinillo ni Marvin kasi ang mahal daw pero hindi nasarapan. Hype lang daw. When I tasted it myself, true nga.
Saka 'yung special sauce, mantika rin. So, mantika na 'yung pork, sa mantika mo pa rin isasawsaw.
"Siguro, hindi lang kasundo ng panlasa ko as compared sa iba na nasarapan naman," paglilinaw ni Ogie.
Gayunpaman, hinangaan niya si Marvin na una nang naglabas ng statement patungkol sa mga nangyari.
May naririnig na nga rin daw siya na maraming customers ang umano'y nadismaya sa produktong pagkain ng aktor. Karamihan daw sa mga ito ay nag-cancel ng order.
"Nakakatuwa si Marvin dahil open siya sa criticisms. Kaya feeling ko, mai-improve pa niya 'yan.
Kaya pa niyang bumawi," sey ng beteranong manunulat-talent manager-vlogger.
Sambit pa niya, "Sana lang, ma-improve pa. Sayang ang sinimulan kung sa wala mapupunta lalo na at kilala sa pagkain si Marvin."
Actually, humingi na rin ng sorry si Marvin sa kanyang mga customers.





Comments