Super-linis na, kinakapitan pa ng virus…
- BULGAR

- Nov 5, 2020
- 1 min read
KRIS, SUPER-DAMING BRANDED BAGS, SAKITIN NAMAN KAYA 'DI RIN MAGAMIT
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 5, 2020

Wala raw balak si Kris Aquino na i-donate sa charity ang kanyang mga mamahaling branded bags. At hindi rin niya ito ipapamana sa kanyang future daughters-in-law sakaling mag-asawa na sina Joshua at Bimby.
Maalaga naman si Kris Aquino sa kanyang mga expensive bags. Regular niya itong ipinapalinis kaya laging mukhang bago at mabango.
Kung tutuusin, hindi naman pahuhuli sa bag collection si Kristeta kumpara sa ibang celebrities. Hindi rin naman masasabing nakikipagkumpitensiya siya dahil sobra-sobra na ang kanyang shoe and bag collection at pati mamahaling perfumes at wardrobe.
Mayroon din siyang sets ng mamahaling alahas na milyones ang halaga. Ang setback lang ni Kris A ay masasakitin siya at mahina ang immune system. Sa sobrang selan at linis niya sa katawan, madali pa rin siyang kapitan ng virus!





Comments