top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Super-laki raw ng TF… YASSI, NILAYASAN ANG SERYE NI COCO PARA SA TV5

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 1, 2021




Very emotional si Yassi Pressman habang nagpe-farewell message sa mga kasamahan niya sa FPJ's Ang Probinsyano.


Isa-isang pinasalamatan ng aktres ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho — ang staff, mga artista, crew at maging ang mga cameramen. Binigyan din ng farewell party ng AP si Yassi.


Hindi rin napigilang maluha ng mga kasamahan niya sa action-serye dahil sa pag-iyak ni Yassi a.k.a. Alyana, ang wifey ni Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay, at mahigpit na nagyakap ang dalawa pagkatapos magsalita ng aktres.


Hindi matatawaran ang bonding ng buong grupo ng AP. Halos limang taon din ang itinagal ni Yassi sa programa kaya masakit sa kanya ang mawala na sa action-serye at dito rin nabuo ang love team nila ni Coco na umani nang katakut-takot na intriga.


Ayon sa tsika, kaya raw pinatay na ang character ni Yassi bilang si Alyana ay dahil lilipat na ang aktres sa TV5.


Marami na raw projects na naghihintay kay Yassi, ayon sa kanyang talent management, ang Viva. Career move raw ‘yun para kay Yassi.


Para sa amin, parang hindi naman makabubuti ang paglipat niya sa TV5 dahil nang pumasok si Yassi sa Ang Probinsyano, wala talaga siyang career, sa totoo lang.


Bumango lang ang kanyang pangalan at napag-usapan nang isama siya sa Ang Probinsyano at dito na nadagdagan ang mga commercials niya.


And take note, naglalakihang commercials pa at hindi so-so lang.


Kaya para sa amin, hindi career move ang paglipat ni Yassi sa TV5. Ang nasa isip namin ay heto — hindi kaya dahil malaki rin ang offer sa dalaga?


Just asking lang po.


Sana lang… Sana lang ay yumabong pa ang pangalan ni Yassi kung totoo ngang lilipat siya sa Kapatid Network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page