Super laki na ng tiyan, malapit nang manganak…RACHELLE ANN, TODO-SECRET SA GENDER NG BABY
- BULGAR

- Mar 15, 2021
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | March 15, 2021

Samantala, napansin namin ang comment ni Bea Alonzo sa Instagram post ng London-based singer na si Rachelle Ann Go na preggy ngayon.
Nag-post si Rachelle ng piktyur niya na may hawak na vacuum cleaner sa loob ng nursery room ng malapit na malapit na ring lumabas na first baby niya.
Caption ni Rachelle sa kanyang IG post, "Non-stop nesting and posing. I keep on cleaning the nursery room...”
Comment ni Bea, "You look so beautiful."
Reply ni Rachelle, "Aww. Thank you! Miss youuu.”
Anytime soon ay magsisilang na si Rachelle. Mukhang handang-handa na si Shin (palayaw niya) na maging mom.
Ang daming nag-comment kung gaano kaganda ngayon si Momshie Rachelle.
May netizen din ang nag-attempt na malaman kung ano ang gender ng baby niya, pero sagot lang ng biriterang singer, "Secret.”
Sa laki na ng tiyan ni Rachelle, for sure, knows na niya kung ano ang gender ng baby. Ayaw pa lang sigurong i-share ni Rachelle sa public.
Para naman may pa-surprise, ‘di ba?
Pero sa ganda ni Rachelle now, mukhang baby girl ang panganay nila ng kanyang hubby na si Martin Spies.





Comments